Willie Revillame, hindi nahabol ang TVJ

Kung si Willie Revillame ay walang mapuntahang network ngayon, iba naman ang grupo nina Tito, Vic, and Joey o TVJ na pinag-aagawan talaga.
Kaya kung anu-ano ang mga balita na kumakalat kung saan talaga lilipat ang Tito, Vic and Joey.
Hanggang ngayon talagang on top pa rin sila, malaking addition sa network na lilipatan nila.
Malaking karangalan maging artists sila ng anumang istasyon. Sa tagal nila sa showbiz hindi nagkaroon ng anumang issue pagdating sa trabaho ang TVJ.
Kaya naman hanggang ngayon lahat ng network open para sa kanila.
Meron mga gusto silang lagyan ng dumi pero hindi nagtatagumpay dahil na rin sa very professional sila. Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto, mananatili silang haligi ng entertaintment industry.
- Latest