^

Pang Movies

Sarah at Lloydie, mas wais ang tambalan!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Sarah at Lloydie, mas wais ang tambalan!
Sarah at Lloydie
STAR / File

Pinag-uusapan na raw ngayon ang muling pagtatambal nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa isang pelikula.

Maganda iyan dahil kung naaalala pa ninyo ang isa nilang pelikula, It Takes a Man and Woman na inilabas noong 2013 ay kumita ng P387 million, iyon ang highest grossing film nilang dalawa.

Kumita rin naman nang malaki ang lahat ng iba nilang pelikula, at matagal na silang hindi nagtatambal. Una nagpahinga si John Lloyd sa kanyang career noong makipag-live in kay Ellen Adarna.

Tapos simula naman noong mag-asawa si Sarah, tumigil din sa kanyang career nang halos tatlong taon na.

Kailangan makabangon din si Sarah at kailangan nga siguro isang tested formula ang gawin niya, hindi ito ang panahon ng experimentation sa ating mga pelikula.

Kailangan ang gagawin ngayon ay iyong sigurado nang may pag-asa sa box office, dahil kung gagawa ka ng pelikula at babagsak, mahirap ka nang makabawi.

Sa ngayon, hindi maikakaila na si Sarah ang nananatiling pinakamalaking star ng Viva. Siya ang talagang kumikita eh, naging hit ang kanyang katatapos na concert. Pero iba ang formula ng concert sa pelikula.

Sa pelikula malaking bagay ang casting at support. Palagay namin pinaka-wise na kunin nga nila si John Lloyd, dahil kahit na ang kanyang asawang si Matteo Guidicelli hindi nakakasigurong makakayang dalhin si Sarah.

Isa pa, noon ay may backup sila ng ABS-CBN, na siyang pinakamalakas na network, natural malakas na ang promo nila. Ngayon wala silang ganoon kalakas na network support.

Sabihin mang si John Lloyd ay nasa GMA 7 na siyang pinakamalakas na network sa ngayon, hindi naman sila kasali sa produksiyon ng pelikula. Hindi kagaya noon na ang Star Cinema ng ABS-CBN ang  producer ng pelikula nila.

Ronnie, lusot sa graft!

Nakakahinga na si Ronnie Ricketts, at maganda rin para sa image ng mga taga-industiya ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagbaliktad ng naunang hatol ng Sandigang Bayan na si Ronnie Ricketts ay guilty nga sa kasong graft na iniharap laban sa kanya bilang chairman noon ng Optical Media Board.

Nabigo ang prosecutors na magharap ng sapat na ebidensiya para sabihing si Ricketts ay beyond reasonable doubt.

Maraming mga artista na nalagay sa puwesto na isinangkot sa mga kasong graft kaya naapektuhan din ang image nila, bagama’t may mga artista namang nagkaroon ng mahusay na record sa gobyerno, kagaya nga ni Vilma Santos.

Kung bibilangin mo iyong naakusahan ng anomalya, hindi man nasampahan ng demanda, mas marami sila.

Kaya nga maganda naman iyan nakabawi si Ricketts sa demanda laban sa kanya at masabing hindi naman totoo ang lahat ng bintang nila sa mga artista.

Halos 10 taon din iyon na sinabi ni Ronnie na naapektuhan siya at maging ang kanyang pamilya ng bintang na anomalya sa kanya, kaugnay iyan ng mga nakumpiska raw na pirated CDs noon na naibalik sa mga pirata at pinayagan ni Ronnie na siyang chaiman ng Optical Media Board noon.

Female star., nagpapaka-sugar baby sa jowang jobless

Lumalabas na ang isang female star na sikat pa naman ay “sugar baby” pala ng kanyang boyfriend.

Hindi namin alam kung paninira lang naman iyon sa boyfriend, dahil pilit nga silang pinaghihiwalay ng ibang mga tao na gustong bumuo ng ibang love team, pero sinasabi nilang ang female star pa ang madalas na nagbibigay ngayon ng datung sa kanyang boyfriend na walang trabaho.

Madalas daw kasi ang sinasabi noon, hindi siya makadalaw dahil walang gasolina ang kanyang motor, at basta ganoon naman padala agad sa GCash ang “sugar baby.” Hindi lang pang-gasolina para siya makadalaw, minsan daw dinadaan sa utang at nagbibigay naman willingly si sugar baby.

Balak nila na ipaalam na daw sa parents ni sugar baby iyon para matigil na.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with