^

Pang Movies

Carla, nagvi-videoke kahit mag-isa

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Carla, nagvi-videoke kahit mag-isa
Carla
STAR / File

Nakapag-recharge na si Carla Abellana noong magbakasyon ito sa Japan kama­kailan. Bukod sa pag-asikaso ng kanyang malapit nang matapos na bahay, nagiging therapy niya ang kanyang handcrafted soap business.

Pinost ni Carla sa Instagram ang proseso sa paggawa ng kanyang sabon. Isa raw ito sa nakakakalma sa aktres lalo na kapag nai-stress ito at para na rin gumaan ang anumang mabigat sa kalooban niya.

“Sharing my passion with all of you. Looking for ways to cope with my pain and grief, I decided to turn my vulnerability into something creative in hopes of encouraging others that they can overcome their own pain and grief too,” caption pa ni Carla sa paggawa niya ng mga sabon.

Naging stress reliever din ng Voltes V: Legacy star ang mag-yoga. Pinost nga niya ang ilang yoga poses sa social media na kayang gawin ng kanyang followers.

At kapag gusto naman daw ng aktres na magsaya, nagvi-videoke ito kahit na mag-isa lang siya. Caption pa ni Carla sa pinost na IG video: “When you’re the last one standing, ay este singing. Missing the barkada extra tonight!”
Mukhang hindi pa ulit nagre-resume si Carla ng taping niya para sa bagong teleserye na Stolen Life kungsaan kasama niya sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez.

Anne, nagcting refresher!

Balik-pelikula si Anne Curtis at ready na itong simulan ang shooting ng Buy Bust: The Undesirables sa ilalim ng direksyon ni Erik Matti.

Noong 2019 pa ang huling movie ni Anne na The Mall, The Merrier with Vice Ganda. Sinilang niya si Dahlia Amelie noong January 2020 at biglang nagkaroon ng COVID-19 pandemic na inabot ng tatlong taon.

Kaya after four years ay atat na si Anne na muling humarap sa kamera at umarte.
“Acting refresher Day 1. It’s been 4 years. Training blades came out while I was finishing these scripts @erikmatti. I am extremely excited for this,” sabi ni Anne.

Hitik daw sa madudugong action scenes ang bagong movie niyang ito kaya siya nag-train sa Filipino martial arts na Sayoc kunsaan gagamit siya ng sword, wooden stick, tomahawk, karambit at latigo.

Taylor, may PDA kay Matty

Mukhang hindi na tinatago nina Taylor Swift and Matty Healy ang kanilang relasyon. Kelan lang ay nakita ang dalawa “engaging in some PDA at the members-only venue Zero Bond” in New York City.ag
Kasama ng dalawa ang kanilang mga kaibigan na sina Zoë Kravitz, Margaret Qualley, and Qualley’s fiancé Jack Antonoff.Siwalat ng isang source: “Taylor and Matty were kissing!”

Bukod sa Zero Bond, nakita ring magkasama ang dalawa sa Casa Cipriani at Electric Lady Studios in Greenwich Village.

Sa isang show ni Taylor sa Foxborough, Massachusetts, proud na sinabi niya sa crowd na: “I’ve just never been this happy in my life in all aspects of my life ever. And I just want to thank you for being a part of that. I just sort of feel like my life finally feels like it makes sense.”

Taong 2014 pa magkaibigan sina Taylor at Matty na frontman ng The 1975 band at lang beses na rin nag-guest si Matty sa concert ni Taylor na The Eras Tour.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with