^

Pang Movies

Joshua, magkaiba ang atake ng halik kina Jodi at Gabbi!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Joshua, magkaiba ang atake ng halik kina Jodi at Gabbi!            
Jodi

Isa si Joshua Garcia sa masayang-masaya to be a part of Unbreak my Heart series na first collaboration ever ng GMA 7 and ABS-CBN. Actually, lahat naman ng cast ay sobrang happy and thankful na mapabilang sa nasabing historic project which will go down to history ng TV industry.

“Sobrang saya ko. I’m more than blessed to be here, to be part of this project, and hopefully, hindi lang ito ‘yung magawa ko sa collaboration na ‘to,” sey ni Joshua sa grand mediacon ng Unbreak My Heart na ginanap sa Seda Vertis Hotel last Thursday.

He added, “I’m grateful to be part of this historical event, this partnership. And masaya lang talaga ako. Ine-embrace ko lang siya na parte ako nito. Nu’ng una, kinakabahan ako, siyempre. Na-excite ako. Mixed emotions. Pero ngayon, masaya na lang ako and ine-embrace ko na lang kung anong nangyayari sa ‘kin.”

Nagpapasalamat din ang aktor na pagkatapos ng epekto ng pandemic sa showbiz ay naririto pa rin siya at gumagawa pa rin ng mga magagandang proyekto.

Sa nasabing serye ay may kissing scene siya both with leading ladies, Jodi Sta. Maria kaya natanong siya kung ano ang difference ng halik niya sa dalawang aktres.

“Magkaiba ‘yun ng atake. With Jodi, mas passionate, mas mabagal, mas ramdam. With Gabbi, passionate din naman pero ‘yung tugma naman siya sa edad natin,” he said.

Nahingan din ng reaksyon si Joshua sa balitang ikakasal na ang ex-girlfriend na si Julia Barretto with current boyfriend, Gerald Anderson at halatang hindi aware ang aktor sa tsikang ito.

“Oh, they’re planning to get married?” tanong ni Joshua. “Hindi ko alam, bago sa akin ‘yan, ngayon ko lang narinig ‘yan.”

Patuloy ng aktor, “kung saan sila masaya, support ako do’n.”

Matagal na raw silang hindi nagkakausap ni Julia at pareho na rin daw silang busy sa kani-kanilang projects.

When asked kung willing ba siyang makatrabahong muli ang ex-GF, aniya ay oo naman daw.

“Kung meron man, siya ‘yung unang-unang pumapasok sa isip ko talaga,” sey niya.

Sa tanong kung kumusta ba ang kanyang puso ngayon, sagot niya, “masaya ako ngayon. In love ako sa trabaho ko ngayon, very in love.”

Kinunan ang Unbreak My Heart sa Switzerland, Italy, at Pilipinas sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Dolly Dulu at sa produksyon ng Dreamscape Entertainment.

Kabilang din sa serye sina Richard Yap, Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap, at Mark Rivera, pati na ang up-and-coming young actors na sina Will Ashley, Jeremiah Lisbo, at Bianca de Vera.

Huwag palampasin ang premiere episode ng Unbreak My Heart sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies ngayong Mayo 29 ng 9:35 p.m., 11:25 p.m. sa GTV, at panoorin ito 48 oras bago ito ipalabas sa telebisyon sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu simula Mayo 27. Available rin ang serye sa GMA Pinoy TV at TFC.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with