^

Pang Movies

Joshua, hindi naapektuhan ni Julia!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joshua, hindi naapektuhan ni Julia!               
Joshua

Sinabi ng matinee idol na si Joshua Garcia sa kanyang interview sa King of Talk na si Boy Abunda na payag siyang makatambal ang dating ka-love team at syotang si Julia Barretto. Iyon naman ay kung may mag-aalok lang na pagtambalin sila. Ibig sabihin naka-move on na talaga si Joshua at hindi na siya apektado kung makasama man niya si Julia.

Noong una silang mag-split, halatang apektado siya. Natatandaan namin sa isang Chinese New Year celebration noon sa Binondo, nakumpirma ang mga tsimsis ng split-up dahil umupo si Joshua malayo kay Julia at hindi man lang niya pinansin ang dating syota. Madaling naka-get over si Joshua dahil naging maganda para sa kanya at sa kanyang career ang hiwalayan nila, samantalang si Julia ang naipit at ganoon din ang syota niya ngayong si Gerald Anderson dahil sa hindi nila agad pag-amin sa kanilang relasyon para maikailang inisahan nila si Joshua at si Bea Alonzo.

Nang makipag-split si Joshua, lalong tumaas ang kanyang popularidad bilang isang aktor, at ngayon nga ay sinasabing kabilang na siya sa hanay ng mga pinakasikat, samantalang si Julia, bumagsak sa isang pelikula kahit na nagpa-sexy na siya at mula noon wala pang malaking assignment na nakukuha. Kung magkakasama sina Joshua at Julia, tiyak iyon mas bibigyan ng mas ok na exposure at billing si Joshua kaysa sa dati niyang syota.

Sa kaso ng love team nila, mas nakaangat din si Joshua. Siya kasi ang lumabas na underdog at nakuha niya ang simpatiya ng publiko. Bukod doon puro positibo ang sinasabi tungkol sa kanya, lumalabas na siya ang good boy talaga. Ang mas matindi kasi ay ang naging controversy ng pang-iiwan ni Gerald kay Bea Alonzo dahil kay Julia na itinago pa nila. Ang ending sila ang talo.  

EB, mas tumibay ang isyung lilipat ng network

Wala pa rin palang linaw ang status ng Eat Bulaga. At odds pa rin pala ang mga Jalosjos at ang TVJ (Tito, Vic Sotto at Joey de Leon) na siyang main hosts ng programa.

Mukhang tototohanin ng TVJ ang bantang sila ay aalis din sa show na kanilang pinangunahan ng 43 years kung may aalisin ngang Dabarkads, at dahil may naalis na, mukha ngang mangyayari ang kanilang banta.

Usapan pa kung kanino mapupunta ang titulong Eat Bulaga na sinasabi nga ni dating senador Tito Sotto na intellectual property ni Joey de Leon na siyang nakaisip ng title. Pero hindi na mahalaga ang title eh. Sabihin mo mang iyan ang Eat Bulaga, kung wala ang TVJ at iba pang kilalang hosts, wala pa rin iyan.

Isang magandang example riyan iyong show ni Kuya Germs (German Moreno) noong araw. Natangay ng producer ng show bilang copyright owner ang titulo ng show sa ibang istasyon, pero dahil naiwan si Kuya Germs, ang tao pinanood kung nasaan si Kuya Germs.

Nabanggit lang namin ito dahil may umuugong na namang kuwento na kung aalis nga raw ang TVJ sa Eat Bulaga, at siyempre sasama pa sa kanila ang iba pang Dabarkads, posibleng lumipat sila sa TV5.

Matinee idol, nakakuha ng cover-up sa relasyon sa cougar

May nagbulong sa amin, mukhang cover-up lang daw ng isang sexy matinee idol ang sinasabing relasyon niya ngayon sa isang mas matandang female star. Iyon ay dahil may tsismis na ang sexy matinee idol ay alaga ng isang milyonaryang cougar, at ilang buwan na rin daw ang kanilang relasyon.

Hindi lang nagkakadatung sa cougar ang sexy matinee idol kundi sinasabing may OPM pa rin daw iyon na gagamitin niya ang impluwensiya para sa isang problema na matagal nang nilalakad ng pamilya ng matinee idol.
Pero dahil sa katayuan nga ng cougar sa lipunan kailangan din niyang itago ang kanyang relasyon sa seksing matinee idol. Kaya ok lang sa kanya ang lumalabas na sinasabing relasyon noon sa isang female star na cougar na rin.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with