^

Pang Movies

Barbie, nanalo sa demanda ng bold star!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Barbie, nanalo sa demanda ng bold star!            
Barbie

Vindicated si Barbie Imperial dahil ibinasura na ng korte ang tatlong kasong isinampa sa kanya ng dating kaibigan at Vivamax star na si Debbie Garcia.

Sa Ogie Diaz Showbiz Update vlog, ipinakita ng talent manager/vlogger ang kopya ng resolusyon desison ng korte kung saan ay nakasaad na idini-dismiss na ang mga kasong grave oral defamation, slight physical injury at grave slander by deed laban kay Barbie.

Ayon sa desisyon ng korte, walang sapat na ebidensyang nakita sa CCTV foo­tages para mapatunayan ang mga reklamo against Barbie.

“The alleged defamatory remarks and the other acts intended or calculated to cast dishonor, discredit or contempt upon the Complainant that would constitute the crimes of Grave Oral Defamation and Slander by Deed are not evident in the CCTV footages attached to the Complaint,” ang huling bahagi ng desisyon na binasa ni Ogie.

Nakasaad din sa desisyon na “there was no recording that Respondent was grabbing ang pulling the Complainant’s hair, scratching her chest, neck and arm and kicking her leg.”

Ani Ogie, “ginawang batayan ng korte ang CCTV na hindi talaga sila nagdikit ni Barbie.”

Hindi na raw magsasampa pa kontra-demanda ang kampo ni Barbie.

Matatandaang Nobyembre 2022 nang sampahan ng kaso ni Debbie si Barbie matapos ang away na naganap sa kanila sa isang bar sa Quezon City noong Oktubre that same year.

Julie Anne, ‘di na kayang mabuhay na wala si Rayver

Buong tapang na inamin ni Julie Anne San Jose na mahihirapan siyang mabuhay nang wala ang boyfriend na si Rayver Cruz.

Sa Fast Talk with Boy Abunda aired last Wednesday ay guest si Julie Anne at ang isa sa katanungan sa kanya ay kung kaya ba niyang mabuhay without Rayver.

Sagot ng Asia’s Limitless Star, “I think it would be hard.”

She explained, “kasi, matagal ko na rin pong kilala si Ray. I don’t see him just as a partner but also my best friend. So, he’s someone I can count on ‘pag may mga problems ako.

“Kumbaga, best friend ko talaga siya. Lahat, sinasabi ko sa kanya. He knows everything about me, what I’m going through, and kung ano ‘yung mga ups and downs. And you know, it’s hard to live without someone na talagang… alam mo ‘yun, special sa ‘yo, tapos ‘yung talagang kinakapitan mo sa lahat ng bagay.”

Isa pang tanong sa Kapuso actress-singer ay kung kaya ba niyang labanan si Sarah Geronimo sa isang back to back concert.

“Oh my God,” natatawang sambit ni Julie Anne, “na-pressure ako.”

Aniya, “unang-una, Tito Boy, hindi po ako lalaban because there is only one Sarah Geronimo, there can only be one Sarah Geronimo.”

Pero game raw siya na maka-duet si Popstar dahil labis daw niya itong hinahangaan.

“It would be an honor of course na maka-duet po si Miss Sarah because I really look up to her.”

But if ever na talagang magkakaroon ng opportunity na magkaroon nga sila ng back-to-back concert, ani Julie Anne ay more on maghahanda raw siya at hindi para labanan.

“She’s one of the people that I really look up to and isa siya sa mga naging influences ko rin sa music,” she said.

Ni-recall pa niya na naging choir member siya sa isang church sa may Mindanao Avenue malapit sa tirahan ni Sarah at nakita raw niya minsan si Popstar na nag-perform sa nasabing simbahan.

“Nag-fangirl talaga ako,” natatawa niyang sambit. “So, it would be such an honor. I love her.”

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with