^

Pang Movies

Teleradyo, mag-iiba na ng content!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakipag-partner nga ang TeleRadyo sa Prime Holdings ni Speaker Martin Romualdez na siyang hahawak ng 60% ng puhunan at mananatili naman sa ABS-CBN ang 40% ng total shares, pero siyempre lalabas na ang ABS-CBN pa rin ang magpapatakbo ng istasyon dahil sa kanilang “expertise.”

Isa pa, nasa kanila ang control dahil mananatili naman iyon sa loob ng kanilang compound, at ang gagamitin ay channel sa kanilang cable network. Pero malaking boost iyan dahil ang pagsama sa kanila ng Prime Holdings ay magagamit nila para lumakas ang kanilang sales.

Hindi sinabi kung magkano ang ibinayad ni Romualdez sa 60%  ng shares ng naluluging istasyon, pero magkano man iyon, malaking bagay para magkaroon sila ng dagdag na puhunan para maipagpatuloy ang kanilang paggawa ng television content dahil kung hindi mawawalan na naman ng trabaho ang mga tauhan nila, lalo na ng executives na diumano’y mataas ang suweldo kahit na hindi kumikita ang kumpanya.

Ang kailangan nga ng ABS-CBN ay iyong sustaining capital na wala sila ngayon dahil sa mababang sales, na hindi kayang suportahan ang kanilang payroll at ang production cost ng kanilang mga proyekto.

Kung mabubuhay nga naman ang Teleradyo, may pagkukunan na sila ng mga pangangailangan ng kanilang Kapamilya Channel at ng iba pang channels nila sa kanilang cable network.

Male star na nagkakaedad, natatakot sa AIDS

“Wala na ring pupuntahan ang career ko. Akala ko kasi totoong-totoo ang sinabi nila sa akin noon na basta raw ang-click iyong BL namin sa internet tuluy-tuloy na. Akala ko totoo talaga.

“Eh nagtagal ang follow up nila, may nag-offer na iba, ginawa ko muna. Hindi naman naipalabas sa mga sinehan. Ngayon parang lumalabas na ako ang walang K, kaya matagal na akong nakatengga, walang dumarating na offer, wala rin namang ginagawa ang manager ko na ang gusto ibugaw ako sa mga bading, eh takot din naman ako sa ganoon, matindi pa rin ang AIDS kahit na may preps na. Marami ang nahahawa sa Pilipinas at sinasabi naman nila karamihan ay nakukuha sa pakikipag-sex sa kapwa lalaki.

“Magtitiis na lang muna ako sa ganito, kaysa naman magkamali na naman ako at lalo pang mapahamak,” sabi ng isang male star na tumatanda na rin at wala pang nangyayari sa career sa aming pag-uusap.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with