^

Pang Movies

Fashionista na rin... Sen. Chiz naimpluwensiyahan na ni Heart!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Fashionista na rin... Sen. Chiz naimpluwensiyahan na ni Heart!            
Chiz at Heart

Dahil kay Heart Evangelista ay naging fashionista na rin ang mister niyang si Sen. Chiz Escudero kaya naman touched na touched ang aktres at nag-post ng appreciation sa asawa.

Nag-post si Heart ng mga larawan nila ni Sen. Chiz wearing fashionable outfits na malayong malayo sa dati niyag mga suot. Bukod pa rito ay new look din ang Senador dahil sa kanyang bagong ayos na kilay. “Appreciate you learning about the things I love,” ang caption ni Heart.

Sa comment section ay natuwa rin ang mga netizens sa new look ni Sen. Chiz, pati na ang kanyang trendy outfits. Ilan sa mga comments ay:

- “Fashionistang senador Look cool.”

- “It pays to have a wifey who an international endorser of high end brands.... you’ll get contaminated by fashion trends... you both look fantastic.”

- “This shows how he really loves you.”

- “The things you do for love.”

Bela, kinainggitan

Kinainggitan ng mga netizens at kapwa-artista ang ipinost na selfie ni Bela Padilla with popular South Korean actor, Song Joong-ki.

Apparently ay nakita ni Bela si Song Joong-ki sa dinaluhang Cannes Film Festival. Aniya sa caption, chill and friendly raw ang aktor.

“Good morning. (He’s so chill and friendly),” sey ni Bela.

Nagpasalamat din ang aktres sa direktor na si Adolf Alix, Jr. dahil itinuro daw nito sa kanya si Song Joong-ki. “Thank you for pointing him out direk @aalixjr,” ani Bela.

Maging si direk Adolf ay may kuha rin with Song Joong- ki na ipinost din nito sa kanyang Instagram page.

Aliw ang mga comments ng mga kapwa-celebrities sa post ni Bela.

Sey ng friend niyang si Angelica Panganiban, “paki add siya sa group chat pls.”

Ecstatic din ang isa pang friend ni Bela na si Kim Chiu. Comment niya, “OMG!!!! Pa add na sha sa GC momsy!!!! May sasabihin ako!!!! pede pa video greet!!??”

Inggit na inggit din si Mariel Padilla. Reaksyon niya, “oh my gosh! I AM DYING.”

Both Bela and direk Adolf attended the Cannes Film Festival as filmmakers.

Regine naalala ang pelikula sa nasunog na Post Office

Isa si Regine Velasquez sa nalungkot sa pagkasunog ng Manila Central Post Office last Monday. May sentimental value sa Asia’s Songbird ang naturang historical landmark dahil dito siya nag-shooting ng pelikulang Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon.

Sa kanyang Instagram ay nag-post si Regine ng larawan ng isang eksena siya sa pelikula bilang Katherine na empleyado ng Manila Central Post Office.

“Ano na kaya mangyayari kay Katherine at sa iba pang naging bahagi ng Manila Central Post Office. Naging bahagi ng buhay ko ang Post Office napasok ko at nakakilala rin ng mga kaibigan duon. The Manila Central Post Office was a Historical land mark it’s so sad that this happened,” ang caption ni Regine.

Nagkomento naman ang mister niyang si Ogie Alcasid ng “nag shooting din ako diyan para sa video natin.”

Marami namang netizens ang nakaalala ng pelikulang Ikaw Lamang Hanggang Ngayon at sey pa ng iba, dahil daw sa movie kaya nila nakita ang Manila Central Post Office. “It’s your movie that came to mind when I saw the news. Heartbreaking,” komento ng isang netizen.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with