^

Pang Movies

Barbie at Jak, ayaw paalipin sa sistema!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Barbie at Jak, ayaw paalipin sa sistema!
Barbie at Jak

Nag-celebrate ng kanilang 6th anniversary ang magsyotang sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Maliwanag hindi rin nila napigil ang tunay na magsyota dahil lamang sa kanilang make believe na love team. Hindi rin naman namin maintindihan kung bakit nga ba pati iyong personal na buhay ng mga artista ay dapat pang pakialaman eh. Di pagtambalin nila ang gusto nilang love team, pero iyong personal na hayaan na lang nila. Hindi magugustuhan iyan ng showbiz love team guru na si Liza Soberano. Bakit mo nga ba ipipilit ang isang love team?

Kahit na may syota pa iyang iba, kung talagang sila ang gusto ng fans na magkatambal, susuportahan nila iyan. Hindi nila kailangang bolahin na totohanan na nga ang love affair ng magka-love team kahit na hindi naman.

Eh sa panahong ito na may social media na, at ang kilos ng mga artista ay nasusundan ng mga tao at nailalabas sa social media, papaano nga ba ninyo maitatago iyan? Tingnan ninyo sina Barbie at Jak.

Sa caption pa ng picture, si Barbie ang nagsabing mahal na mahal niya si Jak at kinilala niya ang mga sakripisyo noon para magtagal ang kanilang relasyon? Anong gimmick pa ang itatapat ninyo riyan?

Hanga rin naman kami kina Barbie at Jak pinatunayan lang nila na hindi sila alipin ng sistema.

Liza, sinagot ang mga akusasyon!

Mabilis na sumagot si Liza Diño laban sa akusasyon sa kanya sa sinasabing pagwawaldas niya ng pera ng bayan noong siya pa ang namumuno sa Film Development Council of the Philippines. Sinabi niya na ang lahat ng kanilang gastos ay aprubado ng council, at ginawa nang may konsultasyon sa Department of Budget at ng Commission on Audit. Kung babalikan din naman natin ang mga kuwento, hindi lang si Liza ang iginawa ng ganyang akusasyon, maging ang kanyang ama, si Martin Diño ay ginawan din ng ganyang tsismis noong nasa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) pa, kaya nga inilipat siya sa Department of Interior and Local Government para matapos ang controversy. Si Ice Seguerra, na itinalaga rin sa National Youth Commission, ay ginawan din ng ganyang issue kaya siya nag-resign, at tumulong na lang sa FDCP.

Bakit ba sila ang ginagawan ng issue sa pondo lagi?

Noon lagi namang ganyan ang issue. Ganyan din ang naging bintang nila sa kapatid ni Senador Raffy Tulfo na si Wanda Teo na noon ay na­ging secretary of Tourism. Ganyan din ang issue nila kay Cesar Montano na itinalaga rin noon sa tourism department. Pero kung may bata­yan ang kanilang mga bintang, bakit nga ba walang naiharap na kaso sa hukuman laban sa kanila? Ngayon ganoon din ang hamon ni Liza, huwag puro abla, ilabas ninyo ng dokumento na magpapatunay ng bintang ninyo.

Starlet model, kakasuhan ang vlogger na tumawag sa kanyang kabit

Magsasampa raw ng demanda ang isang starlet model matapos siyang tawaging “kabit” ng isang YouTuber. Nagsimula iyon nang kumalat diumano ang isang video na nagsasayaw sa harap ng kanyang blog partner ang starlet model.

Ang tumawag naman sa kanyang “kabit” ay isang vlogger din na tunay na asawa ng kanyang vlog partner. Nakiusap na raw si misis na huwag silang masyadong magdidikit lalo na nga’t kabe-break lang noon ng starlet model sa kanyang boyfriend na isang aktor. Aywan kung ano ang mangyayari riyan.

May iba namang tsismis na ang ka-date raw ng starlet model ay isang male starlet din. Aywan nga ba.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

JAK ROBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with