^

Pang Movies

Birthday ni Nora, ‘Di na halos naalala!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Birthday ni Nora, �Di na halos naalala!
Nora Aunor

Mayo 21 ngayon at 69th birthday ng pambansang alagad ng sining na si Nora Aunor.

Mayroon bang selebrasyon ang kanyang mga tagahanga na natitira pa?

Noong araw, basta birthday ni Nora ay nagdadatingan ang kanyang fans mula Aparri hanggang Jolo sa kung saan man meron siyang selebrasyon.

Natatandaan namin, may mga selebrasyong ginanap sa Cubao, Luneta, at hindi mo mahulugang karayom ang mga lugar na iyon sa rami ng tao. Animo fiestang malaki, maraming malalaking kumpanya na nagsasabit ng kanilang streamers naglalagay ng mga banderitas at kung anu-ano pang dekorasyon.

Ang selebrasyon ng kanyang birthday ay hindi lang sa isang istasyon ng telebisyon, halos lahat sila ay may special na nakalaan para sa kanya.

Pero siyempre may mga pamahiin din. Ang mga Tsino batay sa kanilang pamahiin ay hindi nagdiriwang ng kanilang birthday basta tumatama sa 9 dahil hindi raw maganda iyon. Baka naman iyon din ang dahilan kung bakit hindi naghanda ng malaking selebrasyon ang fans ni Nora.

At saka sabi nga ng ilan, may pandemic pa rin, kaya delikado pa ang malalaking gathering. Pero ano pa man ang dahilan pero bakit kahit na yata isang maliit na public celebration ay wala para kay Nora ngayon?

Masasabi bang tapos na ang kanyang panahon? Bakit hindi naghanda man lang ang ASAP at pinakanta sana si Sarah Geronimo ng Handog na naging paborito rin ni Nora, o kaya kahit man lang sana si Piolo Pascual ay pinakanta ng Pearly Shells.

Wala ring ginawa ang All-Out Sundays na bahagi man lang ng birthday sana ni Nora, samantalang kung iyan ay show pa ni Kuya Germs (German Moreno) noong araw tiyak na buong tatlong oras ng show ay parangal kay Nora.

Isa rin sa mga naiwang pangarap ni Kuya Germs ay mai-produce sa Araneta Coliseum ang isang malaking birthday concert ni Nora, kaya nga binalak pa noon na para mangyari iyon ay makapagpatingin siya sa doktora na umopera rin at nakapagpanumbalik ng boses ni Julie Andrews. Kaya nga nagbigay pa ang King of Talk at self-confessed Noranian na si Boy Abunda, ng isang milyong piso masimulan lamang ang pagpapagamot ni Nora sa doktor ni Julie Andrews.

Nakakalungkot na maging konsulta lang ay hindi nagawa ni Nora sa doktor na iyon.

Bakit nga ba ganyan ang nangyari sa buhay ni Nora?

Ate VI, bagsak sa apo

Natawa naman kami sa Facebook reel ni Vilma Santos, siguro dahil sa pagod o sa puyat dahil sa kanyang apo, nakatulog habang nakaupo si Ate Vi.

May natuwa namang kunan siya ng video habang natutulog, at siyempre ipinagyayabang naman ng Vilmanians na maganda pa rin ang kanilang idol kahit na natutulog at walang kaayus-ayos.

Aba umani iyon ng libong likes mula sa Vilma­nians.

Ang isang artista ay dapat na manatiling maganda sa paningin ng kanyang fans at ng publiko, kung hindi, mamamalayan mo na lang wala na ang mga tagahanga mo.

FDCP, iimbestigahan ang pagwaldas

Kung kailan nawala na si Liza Diño sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) at saka naman lumalabas ang kung anu-anong akusasyon laban sa kanya.

Ang pinakamatindi ay ang pagwaldas diumano ng pondo ng council. Mula raw sa 50 empleyado, lumobo ang mga kawani ng FDCP sa 150 noong panahon ni Liza, kaya nga raw halinhinan na rin sa pagpasok dahil hindi na sila kasya sa opisina nila.

Dumami raw ang managers na walang pinamamahalaan at supervisors na wala namang mga tauhan sa ilalim nila.

Pinuna rin ang napakarami at napakagastos na parties na ang host ay ang FDCP, na hindi naman daw malaman ang dahilan kung bakit.

Lumalabas na milyong piso ang naitapon sa kung anu-anong mga bagay na hindi naman dapat pagkagastahan.

Maging ang ayuda na iniaalok nila noong panahon ng pandemya ay hindi namin tinanggap at sinabi naming ibigay na lang sa higit na nangangailangan. Tutol din kami sa kanilang registration at sa commitment na kung tanggapin mo ang ayuda, ilalabas mo ang press releases nila. Labag iyan sa tuntunin ng mabuting pamamahayag na aming nakagisnan.

vuukle comment

ACTRESS

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with