^

Pang Movies

Tala ni Sarah, ‘di na nasundan!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tala ni Sarah, �di na nasundan!             
Sarah

Kung paniniwalaan mo talaga lahat ng mababasa sa social media, maloloko ka. Isipin ninyong sinabi nila na si Sarah Geronimo raw ay sinulatan ni Teacher Georcelle ng G-Force at sinabing kung ang kanilang mga naituro sa kanyang steps ay gagamitin niya sa kanyang katatapos na concert sisingilin siya ng per move for the first time in 16 years, hindi ang G-Force ang kasama ni Sarah sa concert niya para sa kanyang 20th anniversary na ginanap nung Biyernes sa Araneta Coliseum.

Iyon pala ang ipinadalang sulat ay pagbati para kay Sarah at ang pangakong siya at G-Force ay nakaalalay pa rin kay Sarah kung kailanganin sila in the future. Isipin ninyo, napakaganda ng sinabi noong tao, binaliktad sa social media.

Pero gaano karaming dance steps ang natutuhan ni Sarah sa kanila sa loob ng 16 years, at baguhin man ang choreography, hindi maaaring hindi magawa ang kaparehong dance steps. Isa pa, may copyright na ba sa dance steps ngayon? At kung ang bawat step ay pababayaran, isipin ninyo, ilang milyon kaya iyon. Ang binayaran naman ng audience doon ay ang pagkanta niya, hindi naman ang pagsasayaw.

Dahil sa fake news na iyan, may nadagdag na napag-usapan sa concert ni Sarah. Wala ka naman kasing bagong masasabi, wala siyang kantang na­ging malaking hit recently. Simula nang tumigil na rin ang Viva sa commercial recording at nakadepende na lang sa kung may magpapa-produce sa kanila, dumalang na rin ang kanta ng mga singer nila. Si Sarah, na pinaka-bankable sa lahat ng singers nila eh, kailan pa ba iyong Tala?

Sayang din, sana ibalik ng Viva iyong panahong aktibo pa sila sa recording. Kaso nga naman napa-pirate lang eh. Mukha ngang, malungkot mang aminin, baka matulad din ang OPM sa kapalaran ng pelikulang Pilipino.

Ate Vi, ‘di na kayang magtagal sa abroad

Feeling mas fulfilled ngayon si Ate Vi (Vilma Santos) lalo na noong Mother’s day, kasi hindi lang ang dalawang pogi niyang anak ang bumati sa kanya, kundi pati na rin ang kanyang magandang apo.

Kaya nga si Ate VI, ni ayaw nang matagal siya sa abrod, kasi naaalala niya ang kanyang mga anak, at ngayon nga pati ang kanyang apo at ‘yan ang kaibahan mo ‘pag totoong anak mo.

Dating may pangalang aktor, mukha pa ring disente Kahit walang datung

Dati nagkaroon din naman ng pangalan ang male star na iyon dahil todo buildup sa kanya ng bading niyang network executive. Eh lumilipas ang panahon, gusto na rin naman siguro niyang magbagong buhay. Iyon namang bading na network executive may iba nang kinababaliwan. Madalas ngayon si male star, nakaistambay sa coffee shop ng isang five star hotel sa isang upscale commecial complex at doon naman siya nag-aabang ng mga mabobola niyang matrona. Nabuko na kasi sa isang exclusive club ang kanyang modus at hindi na siya pinapayagang pumasok doon.

Mukha siyang disente at may datung, pero ang totoo bagsak ang kanyang buhay, nagbabayad siya sa mga nagdemanda sa kanya noon ng estafa, at ngayon, isang kahig, isang tuka pa rin siya.

Iyon ay kung may tutuka pa sa kanya.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with