^

Pang Movies

Eat Bulaga, may mga nakatago pang kontrobersya?

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
EB Dabarkads

May reklamo rin pala si Anjo Yllana na may utang pa raw sa kanya ang Eat Bulaga. Pero kung iisipin gaano na ba katagal wala sa Eat Bulaga si Anjo kaya’t ang utang na iyon ay sa ilalim pa ng pamamalakad ni Tony Tuviera at hindi ng mga Jalosjos.

Kung ang shows nga ay nagkautang nang ilang buwang sahod rin kina Vic Sotto at Joey de Leon, maliwanag ding ang simula nang hindi pagbabayad ay panahon pa ni Tony Tuviera.

Ang tanong ngayon, bakit nga ba ang isang negosyong sinasabing kumita ng 213 milyon sa loob lamang ng isang taon ay nagkakaroon ng ganyang utang sa kanilang mga tauhan.

Sino nga ba ang gumawa ng ‘Pandora’s box’ na nabuksan ni dating senador Tito Sotto?

Sunshine, maraming napaniwalang investor sa online sabong

Wala pa ring imik si Sunshine Dizon sa resoluyon ng piskalya ng Daet, Camarines Norte kaugnay sa kasong estafa.

Ayon sa reklamo, sina Sunshine at isa pang kasama ay nag-alok na ibibigay sa kanila ang karapatang mag-operate ng mga betting station ng Online Sabong Express sa buong Camarines Norte dahil nakuha raw nila ang prangkisa na mag-oprate ng online express sabong. Dahil sa magandang paliwanag at sa paniwalang hindi naman sisirain ni Sunshine ang kanyang pangalan sa ganoong halaga lamang, naglabas nga ng pera ang mga complainant.

Pero bago nagsimula ang operations ng sinasabing on line sabong express idineklara na ng gobyerno na bawal ang online sabong kaya binabawi na ng mga nagdemanda ang kanilang pera. Hindi raw naisauli iyon ng mga kinasuhan kaya dumulog naman sila sa NBI matapos silang bayaran ng dalawang tseke sa Robinsons Bank na parehong tumalbog.

Nagsagawa naman ng imbestigasyon ang NBI at pagkatapos ay iniharap nga iyon sa piskalya ng Daet.

Nauna na itong lumabas sa PSN noong isang linggo pa pero nanatiling tahimik si Sunshine.

Noong Marso pa raw lumabas ang resolution kaya’t on bail ang actress.

Ano kayang gagawin ni Sunshine tungkol dito?                                                                 

Baguhang aktor, desperado na

“Tito payag na akong maghubad sa pelikula, at maski na makipag-date pa ako sa kanila pagkatapos ng shooting ok na ako,” sabi ng isang male starlet na desperado na dahil hindi na nga nakaangat ang kanyang minimithing career.

Pero sabi nga namin, hindi iyan ang solusyon para umangat ang career. Marami na raw siyang narinig tungkol sa mga artistang umangat dahil pumatol sa mga bading na direktor at producers, pero sabi nga namin, nasaan na sila ngayon?

Ang showbusiness ay isang disenteng hanapbuhay.

May nangyayaring hindi tama dahil sa ilang mapagsamanatala. Pero ang pagpatol sa ganoon ay hindi solusyon para umangat ang career ng isang artista.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with