^

Pang Movies

Kapuso at Kapamilya stars, nagkaroon ng pag-asa sa Unbreak...!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kapuso at Kapamilya stars, nagkaroon ng pag-asa sa Unbreak...!
Joshua at Gabbi

Malapit nang mapanood ang maituturing na makasaysayang proyekto ng tatlong major companies, ang GMA, ABS-CBN at streaming provider na Viu, ang Unbreak My Heart kung saan tampok na bituin sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia at Gabbi Garcia na pinamahalaan ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.

Sina Jodi at Joshua ay parehong Kapamilya stars habang sina Richard at Gabbi ay parehong Kapuso.

Nakakatuwa lamang isipin na ang tila imposibleng mangyari noon ay posible na ngayon.

Although maraming beses na ring nakagawa ng pelikula ang ilang Kapuso stars sa bakuran ng Star Cinema ng ABS-CBN tulad nina Dingdong Dantes at Alden Richards ngayon ay hindi na isyu ang pagsasama ng stars and talents ng magkaibang TV network in one project.

Ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson at Kapuso actress na si Kylie Padilla ay magkasama sa 1st Metro Manila Summer Film Festival Movie na Unravel ng Mavx Media Productions habang magkasamang muli sina Coco Martin at Jaclyn Jose sa pelikulang Apag na isa rin sa walong entries sa MMSFF.

Si Coco ay Kapamilya actor habang si Jaclyn ay identified sa Kapuso network gayundin ang isa sa mga lead ng pelikula na si Gladys Reyes.

Sa totoo lamang, dahil sa kolaborasyon ngayon ng ABS-CBN at GMA, natutuwa ang mga artista at production people laluna na ang mga manonood na siyang nakikinabang sa collaboration projects nila.

Kilala ang Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal bilang isa sa nangunguna sa pagbuo ng content for ABS-CBN at hindi matatawaran ang mga consistent top raters ng Kapamilya channel at iba’t iba nilang digital platforms.

Habang patuloy na tumatakbo ang primetime TV series na Dirty Linen at ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin, inihahanda naman ng Dreamscape ang dalawa nilang upcoming series, ang Drag You & Me na pangungunahan ng young star na si Andrea Brillantes kasama sina Romnick Sarmenta, Christian Bables, JC Alcantara, Kaladkaren Davila, Ice Seguerra, Jon Santos, Louie Carr at ang mga totoong drag queens na sina Brigiding, Vinas Deluxe at Precious Paulo Nicole. Kasama rin sa cast sina PJ Endrinal, Jeric Raval, Amy Nobleza, Yves Flores, Noel Comia, Jr. at Xilhouete.

Bukod sa Drag You & Me, nakahanda na rin ang seryeng Linlang kung saan tampok na mga bituin sina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM de Guzman at Jake Ejercito. Kasama rin sa star-studded cast ang Diamond star na si Maricel Soriano, Raymond Bagatsing, Benj Manalo, Kaila Estrada, Anji Salvador, Rubi Ruiz at Race Matias.

Ang Dreamscape Entertainment din ang in-charge ng production ng Unbreak My Heart na kinunan pa ang maraming eksena sa Switzerland.

Bela, nadalian sa pagdirek sa korean actor

Hindi nakadalo si Lorna Tolentino sa red carpet premiere night ng pelikulang Yung Libro sa Napanood Ko na pinagbidahan, sinulat, dinirek and co-produced ni Bela Padilla with Viva Films and her own production company, ang Whiskey Marmalade, pero dumating ang London-based actress kasama ang Korean actor and her leading man sa movie na si Yoo Min-gon maging ang veteran singer-actor na si Boboy Garovillo. Most of the scenes ng movie ay kinunan mismo sa South Korea kaya may touch ng K-drama ang nasabing pelikula.

Magkakahalong Tagalog, Korean at English ang dialogue ng movie. Magaling mag-English si Yoo Min-gon dahil 15 years itong nanirahan sa Canada. Ito rin ang dahilan kung bakit naging madali kay Bela na idirek ang Korean actor na isang collaborative and supportive actor.

Samantala, napag-alaman mismo namin kay Yoo Min-gon na lumagda siya ng management contract with Viva Artists Agency kaya may mga nakatakda pa umano siyang projects na gagawin under Viva Films kasama ang ibang Viva lead stars.

Kung may extra budget din lamang kayo para sa walong pelikulang kalahok sa SMMFF, panoorin niyo lahat pero kung ang budget n’yo ay para lamang sa apat na pelikula, worth watching ang Yung Libro Sa Napanood Ko, Apag ni Coco Martin na dinirek ni Brillante Mendoza, Unravel nina Gerald Anderson at Kylie Padilla at ang Kahit Maputi Na ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) ni RK Bagtsing na dinirek ni Joven Tan.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with