^

Pang Movies

Asawa ni John Estrada, may name reveal sa jinojowa ng mister?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Asawa ni John Estrada, may name reveal sa jinojowa ng mister?!
John at Priscilla

Hinihiritan ng netizens si Priscilla Meirelles na dapat hindi lang siya sa mga babaeng lumalandi o nakatsuk­tsakan ng asawang si John Estrada magalit. Dapat daw, pati kay John magalit siya dahil hindi mangyayari ang cheating kung isang tao lang ang involved.

Tahimik ang aktor sa mga cryptic post at messages ni Priscilla, tanong tuloy ng netizens, nababasa ba nito ang mga post ng kanyang asawa? Bale ba, mukhang malapit nang magkaroon ng name reveal kung sinong babae o mga babae ang tinutukoy nito dahil hinahanap na ng netizens ang isang Cebuana influencer na na-involve raw kay John.

Tinakpan ang name at photo ng Cebuana influencer, pero sa husay ng netizens sa mga ganitong bagay, siguradong madidiskubre nila kung sino ang girl na ito.

May nakapaglabas ng screenshot ng convo ni Priscilla with a girl from Cebu kung saan, sinabing na-meet niya sa Cebu si John at kinuha ang kanyang number.

Itinanggi ni ate gurl na nag-chat sila ni John, hiningi lang daw ng aktor ang number niya for the event at hanggang doon lang daw na parang ayaw paniwalaan ni Priscilla.

Gustong makita ni Priscilla si ate Gurl pagpunta niya ng Cebu sa April 6, abangan natin kung makikipagkita si ate Gurl  kay Priscilla lalo na kung kasama si John. Sabi kasi ni Priscilla sa convo nila, isasama niya si John.

Barbie, may hugot sa ingay ng fans

Ang lalim ng post ni Barbie Forteza tungkol sa “ingay” sa kanyang paligid na may kinalaman yata sa pag-aaway-away ng fans nila ni Jak Roberto at fans nila ni David Licauco. “Felt like I was drowning from all the unnecessary noise my world has been giving me. So, I decided to come here and I’ve experienced the best 20 days of normal, calm and quiet life.

Now, I can’t wait to go back to my world again. I won’t drown this time. I’m not afraid of the water anymore cause now, I know how to swim.”

Comment ni Christian Bautista, pahihiramin niya ito ng salbabida para hindi siya malunod na pinasalamatan ni Barbie. Ang ingay kasi ng mga nag-aaway na fans at pati si Barbie, inaaway at inakusahan ng kung anu-ano.

Ito rin ang rason kung bakit naka-set sa “comments on this post have been limited” ang Instagram niya at minsan, naka-off ang comment box niya para iwas gulo at ingay at para good vibes lang.

Pagbalik niya, magiging busy siya sa mga project na gagawin nila ni David sa TV at movies, but this time, handa na siya na harapin ang mga isyu.

Kylie, hinalikan si Gerald!

Tahimik ang press people at ibang present sa press preview ng Unravel ninamnam ang serious topic ng entry ng Mavx sa 1st Summer Metro Manila Film Festival. Tungkol sa Assisted Voluntary Death o AVD at suicide ang pelikula na legal sa Switzerland at ibang European countries.

Sa movie, ang karakter ni Kylie na si Lucy ay may mental health problems at inaming pinagdaanan niya ito in real life. Naka-relate siya dahil na-diagnose siya ng anxiety at postpartum depression na mabuti at na-overcome na niya.

May kissing scene sila at sa eksena, si Kylie ang nag-initiate ng kiss, pero hindi pagseselosan ni Julia Barretto at ng fans nina Gerald at Julia. Bukod sa take one lang ang kissing scene, kailangan sa pelikula.

Kapag pinanood nila ang Unravel sa April 8, maiintindihan nila kung bakit kailangan ang kissing scene nila. Mula ito sa direksyon ni RC delos Reyes na kinunan most of the scenes sa Switzerland.

vuukle comment

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with