^

Pang Movies

RK, dream come true ang pagsakay sa float

Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matagal na palang pinapangarap ni RK Bagatsing ang makasama sa isang movie project na kasali sa Metro Manila Film Festival at nangyari nga para sa Summer Filmfest.

Hindi man Dec. 25 ang showing, Pasko pa rin, dahil umpisa nito ay Sabado de Gloria at second day ay Pasko ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Hindi niya inaasahan ito at in fairness bida pa sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).

Noong una ay medyo kabado raw siya at baka hindi niya mabigyan ng hustisya ang ipinagkatiwala sa kanya na role bilang si Rey Valera.

Pero nung magkatinginan sila ng pamosong singer ay nakangiti sa kanya at sinenyasan na okay na okay ang pagkaganap niya ay nawala ang takot.

ito ay nang magkaroon ng preview ang nasabing pelikula na sila lang ang nanood. Looking forward na si RK na sumakay sa float ng pelikula.

Nakaka-senti ang pelikula dahil sa mga magagandang awitin ni Rey Valera.

Sabagay lahat ng mga kanta niya noon ay wala kang aayawan na hanggang ngayon ay naririnig pa rin natin.

Samantala, ang young actress na Shira Tweg na kasama rin sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera Story) ang umawit ng pinasikat ni Sharon Cuneta.

Sa sinulat na kanta ni Rey Valera tumatak ang pangalan ni Sharon Cuneta na ginamit nila ngayong title nitong pelikula.

Kaya naman sobra ang kasiyahan ni Shira na mapabilang sa pelikulang ito at sobrang proud ang mommy nito na si Tine Areola. Malaking bagay raw ito sa kanila. Maganda naman si Shira at mukhang malayo ang mararating nito at bongga makakasakay na rin si Shira ng float sa gaganaping Parade of Stars sa Linggo.

vuukle comment

RK BAGATSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with