^

Pang Movies

Dyesebel at Darna, dream role pa rin ng mga aktres!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Natatawa ako nang mabasa ko sa column sa Pilipino Star NGAYON/Pang Masa na nag-aagawan sa Dyesebel ang dalawang artista.

Naku, meron bang may balak na i-produce ang Dyesebel ngayon? O kahit pa nga ang Darna na talagang noong kasagsagan ng showbiz eh dream ng halos lahat ng artistang babae na gampanan. Mga dream role na talagang big news ‘pag napili ang isang artista na gampanan.

Talagang hanggang ngayon nandu’n parin ang magic ng Dyesebel at Darna kaya naman meron pa ring stars na ‘pag tinanong mo talagang ito pa rin ang isasagot na gusto nilang gawin role.

Kelan kaya magbabalik ang panahon na makagagawa na naman ng bagong Darna at Dyesebel? Siguro naman meron pa ring chance, ‘di ba? Hoping.

Pumanaw na Sparkle young star, pinanghihinayangan

Sayang ‘yung buhay na mawawala lang dahil sa car accident. Talagang ang sakit sa dibdib ng balita na may Sparkle young star ang namatay dahil sa aksidente ng kanilang sinasakyan kotse. Bata pa na ang haba pa sana ng journey sa buhay ang nasayang na naman dahil lang sa isang aksidente na puwede sanang hindi mangyari kung naging maingat ang lahat.

Kung iisipin mo na bakit ba nangyayari pa ang mga ganitong aksidente sa daan sa panahon ngayon na dapat meron nang aral na nakuha ang drivers sa rami ng mga namatay sa daan dahil lang sa hindi nag-ingat sa pagmamaneho.

Sayang ang buhay ng tao na nawala, lalo pa nga at mga bata pa ang mga ito. Ingat lang, please.

vuukle comment

DYESEBEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with