^

Pang Movies

Dennis, ingat sa pagsagot sa mga anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dennis, ingat sa pagsagot sa mga anak
Leon

Naiyak si Dennis Padilla habang ini-interview after ng celebrity screening ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera), entry ng Saranggola Media sa 1st Summer Metro Manila Film Festival.

Hindi alam ng press na nag-i-interview kung kaya siya umiyak dahil natanong sa mga anak na sina Julia at Leon Barretto.

Puwede ring kaya naiyak siya dahil sobrang nadala sa emosyon sa pelikula at sa life story ni Rey Valera.

Sabi kasi nito, after watching the movie, na-realize niyang mas mahirap ang pinagdaanan ni Rey bago sumikat sa music industry at sa showbiz na rin.

At least, siya raw ay natulungan ng amang si Dencio Padilla na makapasok sa showbiz, si Rey daw, sariling sikap.

Balik tayo sa pag-iyak niya, natanong kasi siya ng reaction sa nababalitang habang nasa Paris sina Julia at Gerald Anderson, nagkaroon ng marriage proposal. Hindi na siya sumagot at tumulo na lang ang luha.

Ganu’n din ang nangyari nang tanungin kung papayag siyang mag-showbiz si Leon.

Puwedeng-puwede raw sa showbiz ang anak dahil guwapo at matangkad.

Sa tanong ng reporter kung gugustuhin niyang makausap si Leon, “sana” ang sagot.

Parang natuwa pa nga siya nang banggitin ng reporter na nang makausap niya sa isang event si Leon, nabanggit na nami-miss siya nito at gusto nga siyang makausap.

Iza at Ben, ipinangalan ang baby girl sa Encantadia

Noong Jan. 26, 2023 pa pala nanganak si Iza Calzado sa baby girl nila ng asawang si Ben Wintle, pero kahapon lang (Sunday, March 26) nila in-announce ang pagdating sa buhay nila ng kanilang baby.

Hands pa lang ng baby at chin nito ang ipinakita niya na ang isa sa dalawang pangalan na Amihan ay pangalan ng karakter niya sa Encantadia. Waiting na ang fans at netizens na ipakita na ni Iza ang buong mukha ni Baby Deia Amihan para makapag-comment na sila kung sino ang mas kamukha nito.

Gustong malaman ng fans kung sino ang mga napili ng mag-asawa na maging godparents ng kanilang baby girl.

vuukle comment

DENCIO PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with