^

Pang Movies

Bayani, nagsalita sa pagbabu ng LOL!

Gorgy Rula - Pang-masa
Bayani, nagsalita sa pagbabu ng LOL!
Tropang LOL

MANILA, Philippines — Ayaw pa munang magsalita ng ilang hosts ng Tropang LOL tungkol sa nalalapit na pagtatapos nito.

Hanggang April 29 na lang ito at papalitan na lang nga ng Face to Face na ihu-host daw nina Karla Estrada at Alex Calleja.

So far, si Bayani Agbayani lang ang napasagot namin sa pangungulit namin para magbigay ng reaksyon kaugnay rito.

Sabi ni Bayani nang naka-text namin, nasa news na rin lang daw at pinag-uusapan na ito, magbibigay na rin siya ng kanyang pahayag.

Text niya sa akin, “’Di ko pa kasi alam kung allowed na kaming mag-comment e. But since all over the news na naman, magsasalita na ako.

“Para sa akin, nakakahinayang dahil sa maiksing panahon ng Tropang LOL, maayos naman ang rating namin.

“Pero siyempre, dapat din nating igalang ang desisyon ng network, dahil bilang employee, ang employer talaga ang may say sa desisyon ng kanyang negosyo.

“Nagpapasalamat pa din po ako sa TV5, sa opportunity na maging host muli ng isang noontime show.

“Thank You Lord (3 heart emojis and 3 praying emojis).”

Bago pa man daw sila nasabihang magsasara na ang LOL, kinuha na pala uli si Bayani ng Kapamilya channel.

Mahigit isang buwan na raw siya sa I Can See Your Voice, at meron daw siyang gagawing isang teleserye.

Sa pagkakaalam ko, DonBelle loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano itong gagawin ni Bayani.

Meron pa nga raw sana siya para sa Pie Channel, pero tinanggihan daw niya ito noon dahil may conflict sa Tropang LOL. Pero kung iaalok daw sa kanya ito ulit, baka gagawin na niya.

Nakatakda raw silang mag-Boracay sa Holy Week, at pagkatapos nito ay kasama rin daw niya ang pamilya niyang magbakasyon sa Japan at sa Amerika.

Maganda rin itong magbakasyon muna si Bayani para tanggal stress at negative vibes bago siya humarap sa bagong shows na sisimulan niya.

Samantala, may narinig kaming isang sitcom daw ang ipu-produce ng Brightlight Productions. Pero hindi lang sure kung sa TV5 o sa ibang network.

Kylie, kumalma

Medyo kalma raw ngayon si Kylie Padilla sa taping ng Mga Lihim ni Urduja dahil kailangan niyang mag-focus na sa promo ng Summer Metro Manila Film Festival entry niyang Unravel kasama si Gerald Anderson.

Nitong mga nakaraang linggo ay talagang naka-focus kay Gem (Kylie) ang kuwento. Pero ngayong nakabalik na si Gabbi Garcia dahil sa taping din ng isang soap sa Switzerland, itotodo naman ngayon ang kuwento kay Crystal na ginagampanan ni Gabbi.

Tumataas na ang rating ng Mga Lihim ni Urduja, lalo nang lumabas na si Sunshine Dizon na siyang gumaganap bilang ina nina Kylie at Gabbi.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with