^

Pang Movies

Zanjoe at Ria, apaw ang compatibility

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Zanjoe at Ria, apaw ang compatibility
Zanjoe Marudo at Ria Atayde

Parang happy together talaga sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Talagang makikita mo sa photos na compatible sila sa mga bagay-bagay. Pati na sa kanilang pagkain, makikita mo na talagang pareho nilang ini-enjoy.

Parang ang simple lang ng relasyon nila pero lutang ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Physically ang ganda ng combination nila at suwerte talaga si Sylvia Sanchez dahil mabait at mukhang responsableng lalaki si Zanjoe Marudo.

Nasa tamang edad naman na sila kaya ok lang kung sakaling lumagay na sila sa tahimik.

Kaya hindi imposible kung sumunod na rin sila sa kapatid ni Ria na si Arjo na magpapakasal na sa girlfriend niyang si Maine Mendoza.

Cute ng photos nila na talagang nakakakilig kaya naman mas lalo pang umaasa ang fans na sila na ngang dalawa. Naku siguradong cute rin ang magiging baby nila ‘pag nagkataon dahil maganda at gwapo ang magkarelasyon.

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with