^

Pang Movies

Yassi, ayaw makisali sa hate culture

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Yassi, ayaw makisali sa hate culture
Yassi Pressman

Sa katakut-takot na bashing na natatanggap ni Yassi Pressman ngayon, ayon sa aktres ay inuunawa na lang niya ang mga hater dahil baka mayroon ding mabigat na problema ang mga ito.

“Hurt people hurt people basically. Meron din po silang pinagdadaanan, mayroon din silang mga problema na hindi natin maintindihan.

“Kaya kung hangga’t maaari, hindi po natin sila babatuhan ulit ng apoy kung nagbuga na po sila ng apoy. You just really wish na okay, kung kaya mong sumagot nang hindi pasuntok,” sey ni Yassi sa mediacon ng Kurdapya, ang bago niyang sitcom sa TV5.

Pwede naman daw sagutin pero ayaw na raw niyang ma­ging parte pa ng hate culture.

“There’s so many people that’s in pain right now. Napakaraming problema ng mundo, hindi na kailangang dagdagan,” sey pa ng aktres.

Samantala, after FPJ’s Ang Probinsyano, nagbabalik si Yassi sa isang bagong TV series para sa TV5 na napapanood tuwing Sabado 6 p.m.

Pinagbibidahan ni Yassi ang titular role ng classic na movie ni Pablo S. Gomez na Kurdapya.

Bitterness ni Paul kay Barbie, nawala kay Mikee!

Inamin ni Paul Salas na nawala na ang anumang bitterness na nararamdaman niya sa kanyang ex-girlfriend.

Naging guests sina Paul at current girlfriend niya na si Mikee Quintos sa Fast Talk With Boy Abunda at isa nga sa napag-usapan ang previous relationship ng aktor na bagama’t hindi pinangalanan ay obvious namang si Barbie Imperial ito.

Nabanggit din kasi ni Paul na nagkaroon siya ng trauma nang maghiwalay ang kanyang magulang at nadala niya ito nang magkaroon siya ng girlfriend noon.

“Dumaan po sa akin ‘yung trauma na… ‘yung ‘pag iniiwan ng ka-relationship, like sa girlfriend and all.

“Hindi ko po alam ‘yun hanggang sa makilala ko ito (Mikee). At parang siya pa ‘yung nakakita noon sa akin,” pahayag ni Paul.

Inamin ng aktor na naging toxic talaga ang relasyon nila noon ni Barbie.

“Kaya rin po actually, Tito Boy, naging toxic dahil meron po ako sa sarili kong... nandoon na ‘yung trust issues ko, nandoon na ‘yung tamang hinala ko.

“Aminado po ako sa sarili ko, sobra pa ako sa seloso.

“Kasi feeling ko, konting time lang na may makausap lang na ibang lalaking kaibigan ‘yung nagiging karelasyon ko, feeling ko lolokohin na ako,” aniya.

Matatandaang naging kontrobersyal ang breakup nina Paul at Barbie dahil nagkaroon ng isyung sinaktan ng una physically ang huli.

Ayon kay Paul, ngayon lang daw nawala ang bitterness niya sa ex-GF.

“Actually, aaminin ko po, ngayon lang nawala ‘yung pagiging bitter ko sa kanya. Kasi noong time po na ‘yun, hindi ko matanggap, Tito Boy actually, na ilabas ‘yung mga ganu’ng news about me na matagal ko nang sinasabi na hindi naman talaga totoo,” lahad niya.

“But I’m okay now,” sambit niya.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with