^

Pang Movies

Sarah, nakasingit sa sold-out concert ng mga foreign artist!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sarah, nakasingit sa sold-out concert ng mga foreign artist!
Sarah Geronimo

Kagabi ginanap ang concert ng Blackpink sa Philippine Arena.

Sold-out ang dalawang gabing concert sa bansa ng sikat na Korean all-girl pop group kaya talagang masikip ang traffic papunta sa venue sa Bulacan, na 50,000 ang capacity.

Last week ay ang former One Direction member na si Harry Styles ang pumuno sa Philippine Arena.

Magkasunod din ang concert ng mga English / Canadian musician na sina David Foster and Sting pero sa ibang venue, Solaire.

Bago ‘toh every week ay may meet-and-greet ang mga Korean idol at K-pop group kaya talagang maya­yaman ang mga Pinoy na target ng mga foreign artist.

Buti na lang at nakasingit sa concertgoers si Sarah Geronimo.

Dahil as of yesterday, sold-out na ang concert nito sa Araneta Coliseum.

Magaganap ang concert ni Sarah sa May 12, 2023, 8 p.m. at the Smart Araneta Coliseum.

Co-director ni Paolo Valenciano si Sarah sa nasabing concert.

Celebration ito ng 20th showbiz anniversary ni Sarah.

Lately, sa tuwing may project si Sarah ay laging nababanggit ang kanyang inang si Divine. Pero hindi pa nakikita in public na nagkaayos na silang mag-ina.

Nag-umpisa ang disagreement nila nang ikasal si Sarah sa mister niya ngayong si Matteo Guidicelli.

Ang sabi, baka raw sa Araneta concert ay magpakita si Mommy Divine.

Pero ang alam ng mga nakakakila noon sa mommy ni Sarah, ayaw nito ng masyadong exposure sa public lalo’t kung magkakaayos silang mag-ina.

 

 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with