^

Pang Movies

Dash ng HORI7ON, pumalo agad sa Itunes Ph

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dash ng HORI7ON, pumalo agad sa Itunes Ph

Umaarangkada talaga at hindi na nagpapapigil ang HORI7ON sa kanilang pagpapakilala sa buong mundo nang makuha ng pre-debut single nila na Dash ang number 1 spot sa Itunes Philippines habang ang music video nito ay umani na ng 1.3 milyong views sa loob lamang ng dalawang araw.

Sa kanilang Instagram live noong Miyerkules (Marso 22), labis na nagpasalamat sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda sa mainit na pagtangkilik ng mga tao sa nasabing streaming platform.

Maganda rin ang pagtangkilik sa Dash sa iTunes sailang mga bansa tulad ng UAE (15th), Singapore (#30), at Denmark (#80). Nasa ika-12 puwesto naman ang instrumental version nito sa Itunes Philippines.

Naging usap-usapan din ang ipinamalas na kagalingang sumayaw at kumanta ng grupo kaya nag-trending ito sa Twitter at YouTube.

Matapos ang launch ng kanilang debut single, patuloy pa rin ang paglilibot ng grupo sa buong bansa.

Abangan ang kanilang live performances sa Robinsons South sa Robinsons Gen Trias sa Marso 25 (Sabado), at Robinsons Starmills sa Marso 26 (Linggo). Makakasama naman nila ang mga Kapamilya sa Mindanao sa KCC Koronadal sa Abril 14 (Biyernes), KCC Gensan sa Abril 15 (Sabado), at KCC Zamboanga sa Abril 16 (Linggo).

vuukle comment

ITUNES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with