^

Pang Movies

Sunshine, bumiyahe sa Amerika para sa tatay na pumanaw

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine, bumiyahe sa Amerika para sa tatay na pumanaw
Sunshine Dizon

Umalis si Sunshine Dizon patungong US, at siya na rin ang nagsabing ang dahilan ay dahil namatay na ang tatay niyang si Isagani Dizon.

Pumanaw si Gani noong Marso 20, at hindi na nagising mula sa knyang pagkakatulog. 

Matagal na rin namang naninirahan si Gani sa US, simula pa nang magkahiwalay sila ng nanay ni Sunshine na si Dorothy Laforteza.

Pero napagkuwentuhan nga namin noong isang gabi, na siguro kung may makapagsasabi pang taga-showbiz na nakilala si Gani, bukod sa pamilya niya, ay kami iyon. Halos dalawang taon din iyong lagi kami noon sa kanila, noong nagpa-publish pa ng isang movie magazine sina Dorothy at Gabby.

Iyong iba nagpupunta lang doon para mag-submit ng kanilang articles, pero ang naiiwan doon madalas ay kami at si Jun de Vera, dahil kami ang nagtutulong na bumuo ng magazine.

Iyon ang panahon ng kasagsagan ng popularidad ng movie magazines. Mabait na tao si Gani, at palabiro. Laging nakangiti. At nakita rin namin iyon noong araw, madalas na karga niya si Sunshine, na noon ay halos dalawang taon pa lamang.

Nakakalungkot ding isipin na nabawasan na naman ng isa pa ang mga dati naming nakasama sa trabaho.

Nakakahinayang lalo na’t mabait na tao pa naman.

Lotlot, nadiskubre ang pinagmulan

Bagama’t public knowledge na ang tunay na anak lang ni Nora Aunor ay si Ian de Leon,  anak nila ni Christopher de Leon, ngayon lang mas open si Lotlot, na pag-usapan na ampon siya ni Nora at inampon siya bago pa man ito ikinasal kay Boyet noon.

Kuwento niya sa isang post, nasa isang shooting daw siya sa Olongapo, nang may magsabi sa kanyang “noong baby ka pa, sa amin ka nakatira.” Iyon ang naging lead at tapos hinanap na niya ang kanyang biological parents.

Kinikilala naman niya bilang legal na magulang at nagpalaki sa kanya ang mga nag-adopt sa kanya, pero ayon kay Lotlot, gusto niyang malaman talaga ang pinagmulan niya.

Sa pagtatanung-tanong nga raw sa Olongapo, nalaman niya ang pangalan ng kanyang mga magulang. Ang tatay niya ay isang Kano na nang e-email niya ay sumagot at doon nag-umpisa hanggang nagkita na sila.

Ang kanya naman daw ina ay isang nagngangalang Eva Rodriguez, pero hindi na niya binanggit kung nasaan iyon o kung nakilala rin ba niya.

Siguro nga mas happy si Lotlot ngayon dahil nakilala niya ang tunay niyang mga magulang, bukod sa adoptive parents na nagpakalaki at nagmahal din sa kanya.

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with