^

Pang Movies

Kim, paandar ang pag-akyat sa niyog

Salve V. Asis - Pang-masa
Kim, paandar ang pag-akyat sa niyog
Kim

MANILA, Philippines — Kinaaliwan ang paandar na pag-akyat sa puno ng niyog ni Kim Chiu.

As in tawang-tawa ang followers niya kasama na ang ibang celebrity.

Nangyari ito nung mag-reunion sila ng besties niyang sina Angelica Panganiban, Bela Padilla, and direk Andoy Ranay.

‘Yung kunyari ay umakyat siya sa mataas na puno ng niyog at nanghihingi ng tulong habang nagchi-cheer sina Angelica at Bela sa baba at si Direk Andoy ang nagka-camera.

‘Yun pala mababa lang ang puno at nadala lang sa camera angle.

Daming napa-comment dahil pwede raw gawin nilang raket ang mga ganitong content. As in mara­ming request ng gantong episode na pang-aliw lang.

 #AngBeKI reunion be like!!!!! @bela @iamangelicap #supportive #actingnaacting

“1 day feels like forever with these two!!!!! miss you both so muchie special thanks to direk @andoyr1973”,” caption ni Kim.

Si Bela naman ay “The invisible life ” ang caption sa kanilang reunion na magkakaibigan.

Solenn, pinagpapaliwanag sa paggamit ng recycled plastic bottles!

For the first time ay ipinakita ni Solenn Heussaff sa social media ang second baby nila ng husband niyang Nico Bolzico.

Nanganak siya noong December last year.

“Always making us smile Maëlys,” caption ni Solenn sa kanilang sobrang cute na baby girl.

Samantala, ‘di binura ni Solenn ang comment sa post niya tungkol sa made of recycled plastic bottles swimwear na binibenta nila.

Nakatanggap ang nasabing post ng mga criticism dahil nagko-contradict diumano ito sa pagiging endorser niya ng isang brand ng tubig na contributor ng plastic waste or plastic pollution.

Post ng social media influencer tungkol sa pino-promote na swimwear: “We have been working on Splash for a while now:) Our material is made from recycled plastic bottles and has UPF 50+ protection. The print was illustrated by my sister and myself with elements that remind us of family holidays at home,” bahagi ng post ni Solenn na suot ng anak na si Tali ang swimwear na pangbata.

May sumagot sa kanyang follower : “Hiii just purely out of curiosity if ever there are any proofs that there are recycled plastic bottles being (actually) involved in this collection? :))”

May ilan pang nagkomento ng halos ganito rin, na ang recycled plastic bottles daw na ginagamit bilang tela/damit ay nagpapalala ng polusyon dahil pag naluma na diumano ang damit ay mas matagal daw mabulok.

May sumagot naman na ‘di raw ito recycling kundi upcycling (mga bagay na binibigyan ng second life o new function).

Tiyak na mahabang usapin ito pag nagkataon kung nakakatulong ba sa pagsalba sa mother earth ang  plastic bottle recycling o upcycling.

Hindi sinagot ni Solenn ang mga tanong ng kanyang ibang followers tungkol dito.

TV5, high-definition na ang mga palabas

Mas malinaw at mas pina-intense pa ang panonood ng Kapatid viewers ng kanilang mga paboritong TV5 shows dahil available na ang network in high-definition (HD) sa pay TV via Cignal Channel 15 simula April 1.

Ma-e-experience na ang TV5 HD at ang mga exciting entertainment, news at sports programs nito na magle-level up sa TV viewing at bonding ng buong pamilya.

Ilan sa mga aabangang show na maaaring mas ma-enjoy sa TV5 HD ay ang highly-rated drama action series na  FPJ’s Batang Quiapo na laging trending every weeknight at ang mga bagong sitcom  na Team A (Kim Molina and Jerald Napoles) at Kurdapya (Yassi Pressman, Marco Gumabao, and Nikko Natividad) na maghahatid ng walang humpay na tuwa at katatawanan tuwing Sabado ng gabi.

Mas malinaw din sa TV5 HD ang panonood ng mga balita sa Frontline Pilipinas at Frontline Tonight, pati na rin ang action-packed PBA games kung saan ma-eenjoy ng viewers ang mala-front-row access sa live hardcourt action in the comfort of their homes.

At hindi lang dyan nagtatapos ang saya dahil hatid din ng TV5 HD ang iba pang mga ABS-CBN programs tulad ng mga primetime series na Dirty Linen at The Iron Heart, ang paboritong noontime show ng madlang people na It’s Showtime, ang iconic Sunday variety show na ASAP Natin ‘To, at marami pang iba.

Tampok din ang kwelang kulitan sa Tropang LOL na mapapanood araw-araw mula Lunes hanggang Sabado bago mag-It’s Showtime sa TV5 HD.

“We are committed to provide the best possible viewing experience for our Kapatids wherever they are and however they choose to watch their favorite TV shows. With our very own TV5 channel now available on ultra clear, digitally enhanced, high-definition quality on TV5 HD, we guarantee a leveled up viewing satisfaction that will make audiences love our shows even more,” pagbabahagi ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with