^

Pang Movies

Anak nina Andi at Philmar, mala-pro na sa surfing!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anak nina Andi at Philmar, mala-pro na sa surfing!
Lilo

Ang bongga naman ng mga anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na sina Lilo at Koa.

Nagsu-surfing lessons na pala ang mga ito. At ang nagtuturo sa kanila ay ang kanilang ama na si Philmar na isang professional surfer.

Sino pa nga naman ang dapat magturo sa kanila ng basic ng surfing kundi ang tatay nila.

Ipinakita nina Andi at Philmar ang video ng mga ito habang nagse-surf. At nakakabilib ang mga ito lalo na si Lilo dahil ngayon pa lang ay parang professional na sa baby waves. Ang galing-galing na nito kung saan nakakatayo na talaga ito sa surfboard.

Habang si Koa naman ay ganun din na lumalangoy na may suot na floa­ters kasama si Andi.

Siguradong mas magi­ging pro pa ang mga ito habang lumalaki lalo na at suportado sila ng mga magulang sa hilig nila.

Kasama rin nila ang panganay na anak ni Philmar na si Kanoa.

Nakakatuwang tingnan ang bonding ng pamilya nila na madalas sa dagat.

Enjoy na enjoy sila sa kanilang simpleng buhay sa Siargao at talagang happy islanders sila. Bongga.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

PHILMAR ALIPAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with