^

Pang Movies

Ate Vi, maraming ipamamana sa apo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ate Vi, maraming ipamamana sa apo
Luis Manzano and Jessy Mendiola's daughter, Isabella Rose.
Luis Manzano, Jessy Mendiola via Instagram

Napa-cute naman ng anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Grabe sa mga picture niya sa social media.

Sa latest post ni Luis talagang makikita mo ‘yung kagandahan nito.

Hay ang suwerte ni Ate Vi.

Tiyak ko ibibigay lahat ni ate Vi sa kanyang apo ang mga naipon niya.

Hahaha.

Naipon talaga noh.

Kaloka. Oh siya, yun lang ang babu na.

‘Di mapakali’

‘Di ako mapakali kahapon dahil iniisip ko talaga ang naging karanasan ng kaibigan kong si Ronite na isang personal shopper at BFF ni Kris Aquino.

May isang kliyente siya na hindi nagbayad. Umabot daw sa halos isang milyon ang halaga nito na lahat ay iPhone.

Mabait naman kausap ang nasabing kliyente ni Ronite na hindi pa nagbabayad kaya feeling ko maayos ang munti nilang problema.

Siguro hindi papayag ang kliyente niyang ito na makilala siya na hindi nagbayad sa order na mga iPhone. At fair lang naman na gustong makuha ni Ronite ang bayad sa mga ito.

Hay naku dasal ko talaga na maayos nila ito. Kawawa naman si Ronite na kung tutuusin ay hindi naman kalakihan ang kinikita pero talagang nae-enjoy ang pagbiyahe sa Italy para ipamili ang mga suki niya.

Excited na akong magkaayos sila.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with