^

Pang Movies

Monching kinabahan kay Lotlot

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Monching kinabahan kay Lotlot
Lotlot de Leon at Ramon Christopher
STAR/File

Tatlong loveteams pala ang magpapakilig sa mga netizens, once na nagsimula nang umere ang drama series ng GMA Public Affairs na The Write One.

Tampok ang love team nina Bianca Umali at Ruru Madrid, Mikee Quintos and Paul Salas, at sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, sa direksyon ni King Marc Baco.

Hindi pala malimutan ni Direk King Marc iyong isang eksena nina Bianca at Ruru, na habang nagsu-shoot sila ay nag-away ang dalawa na nauwi pa sa pag-unfollow nila sa isa’t isa.  Pero nakita raw ni Direk ang professionalism nila, dahil hindi nila isinali sa away ang kanilang trabaho.

Nakita raw niya si Bianca na nasa tent lamang, walang kinakausap, pero nakita niyang kahit may away ang dalawa, ang husay pa rin ng performance nila sa eksena, parang walang nangyayari.

Nasabi na raw lamang ni Direk na hulog ng langit ang mga talent nila.

Almost two years na rin naman pala ang relasyon nina Mikee at Paul, at ilang serye na rin sila nagkasama, pero this time lamang nila ito ipapakita sa The Write One.

Super kilig naman ang mga anak ng mag-asawang Lotlot at Monching, tulad din ng fans ng dalawa, na pagkalipas ng almost 20 years, ngayon lamang sila muling magkakasama sa isang serye.

Inamin ni Monching na siya ang ninerbyos nang ialok sa kanya ang project na makakasama niya si Lotlot. Pero masaya sila pareho, dahil wala raw naman silang problemang dalawa at blessing sa kanila ang muling magkasama sa trabaho.

Ang serye ay isang collaboration between GMA Network and the video streaming service na VIU Philippines. World premiere ng serye sa Monday, March 20 sa GMA Telebabad, at 9:35PM, Mondays to Thursdays.

May advance episodes nang mapapanood simula sa March 18, sa VIU.

Kuh, bubuhayin ang indoor theater

Magsi-celebrate pala si Kuh Ledesma ng kanyang birthday sa March 18, at gagawin niya itong concert party na sa bahay niya sa Hacienda Isabella in Indang, Cavite, titled KuhL Getaway Party.

Bale follow-up ang said concert sa pre-Valentine concert last February na ginawa rin niya roon, with her daughter Isabella.

Iyon ang first time na binuksan niya sa public ang Hacienda Isabella after the pandemic, at all the rooms were fully booked.

Kababalik lamang ni Kuh from the US na ginawa niya roon ang 3 Divas show, kasama sina Pops Fernandez at Jaya.

Meanwhile, this March 18, magiging guest ni Kuh si Ray-An Fuentes and some other special guests.

Kung matatandaan, si Kuh and nag-put up ng mga venues like the Republic of Malate and the Music Museum. At iyon ang gagawin niya ngayon sa Hacienda Isabella, magtatayo siya ng indoor theatre na pwede ring mag-show doon ang ibang artists, bands can play and new artists can be featured.  Ang maganda pa, kung manonood ng concert, pwede silang mag-book ng rooms at doon na sila mag-stay overnight.

 

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

LOTLOT DE LEON

RAMON CHRISTOPHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with