^

Pang Movies

Sixto, magaling na rin sa taekwondo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sixto, magaling na rin sa taekwondo!
Sixto

Ang cute naman ng mag-amang Dingdong Dantes at Sixto. Proud father ang mister ni Ma­rian Rivera sa Taekwondo training ng bunso nila.

Ipinasilip naman ni Dingdong ang kanyang proud father moment. Siguradong mas gaga­ling pa ito dahil bata pa tinutukan na siya ng kanyang parents. Umaasa naman ang Amazing Earth at Family Feud PH host na marami pa itong matutunan sa pagta-Taekwondo gaya ng disiplina.

Ang galing-galing na ni Sixto sumipa. At kahanga-hanga dahil bata pa mahilig na ito sa sports gaya rin ng kanyang Ate Zia na kailan lang ay nagwagi sa isang swimming competition.

Post ni Dingdong, “Starting them young! Watching my little warrior take on Taekwondo with the big kids. Hoping he learns the discipline and skill, but most importantly, has fun along the way.”

Kaya naman pinusuan din ito ng marami at cute na cute sila sa bunso ng DongYan. Lutang na lutang na agad ang kaguwapuhan nito na walang dudang nagmana sa kanyang mga magulang. Siguradong mas madadagdagan pa ang kaguwapuhan nito habang lumalaki. Kagaya rin ng panganay nila na si Zia na lutang na rin ang ganda gaya ng kanyang mommy. Bongga.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with