^

Pang Movies

Mavy at Kyline, totoo ang sweetness!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mavy at Kyline, totoo ang sweetness!
Mavy at Kyline

Ang bongga naman ni Mavy Legaspi. Talagang sinagot nito ang mga basher na nagsabi na scripted lang ang sweetness nila ni Kyline Alcantara.

‘Di na raw sana siya papaapekto pero medyo nasaktan ang binata nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi dahil alam niya na totoo at sincere ang ginagawa niya para sa dalaga.

Dahil nga raw sa social media ay ginagawan ng mga netizen ng kuwento ang bawat post. Kagaya na lamang daw ng pag-akusa sa kanila na kunwari lang ang pagiging sweet nila o ‘di kaya ay plano lamang ng management para sumabog lang sa internet pero sinabi ng aktor na tapat siya sa mga ginagawa niya para kay Kyline at hindi kasama ang trabaho.

At the end of the day raw, ang reaksyon ng dalaga at kung paano nito naa-appreciate ang mga ginagawa niya para rito ang mahalaga. Sapat na raw na mapasaya at makita niya ang mga ngiti nito.

Sumang-ayon naman ang aktres at sinabi na wala raw talagang scripted moments sa mga iyon. Bongga.

vuukle comment

MAVY LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with