^

Pang Movies

Heart, hirap sa pag-aayos ng bahay sa Paris

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Heart, hirap sa pag-aayos ng bahay sa Paris
Heart Evangelista
STAR/File

Tuloy ang pag-aayos ni Heart Evangelista sa kanyang apartment sa Paris, France at masaya niyang ipinasilip ang struggle niya sa pag-aayos nito. ‘Yun nga lang, kahit may struggle siya, classy at maganda pa rin ang misis ni Sen. Chiz Escudero.

“The struggle is real but definitely – satisfying! Decorating and fixing a home is one of my ultimate favorite thing to do! Thank you to all my loved ones here in Paris for helping me (3/4  days during fashion week)  complete my sweet home.”

Marami na ang naghihintay ng apartment tour ni Heart dahil gusto na nilang makita ang loob nito, lalo na ang kanyang closet. Curious silang makita kung ano ang nasa loob ng closet ni Heart.

May mga hindi lang natutuwa sa pagpapakita ni Heart ng kanyang mga gamit, gaya ng isang netizen na nag-comment ng “Andami mong pangginaw please share to Turkey, victims of earthquake.”

May nag-a-apply naman na tagabuhat ng mga gamit niya para raw hindi na siya magbubuhat. Gaya ng pagbubuhat niya ng tinawag niyang “fake plant.”

Marjorie, may pa-birthday rin kay Julia

Ang birthday greetings ni Marjorie Barretto kay Julia Barretto na “One of my greatest blessings in life is to have a daughter who loves me the way you do.”

Si Dennis Padilla naman, puro throwback photos nila ni Julia ang pino-post na ibig sabihin, matagal na silang hindi nagkikita ng anak. Sa latest post ni Dennis, baby pa si Julia na karga niya.

Ang caption ni Dennis sa post ay “Dearest Juy... A picture in my wallet for 26 years and counting... Hope to see you soon.. Happy birthday anak!! Love you-Papa.”

May naunang post si Dennis, old photo pa rin nila ni Julia ang kanyang gamit at wish niya sa anak ay more blessings.

Naawa na naman ang followers ni Dennis sa kanya at pinayuhan siyang maging pasensyoso at hintayin ang araw na okay na uli sila ni Julia at iba pa nilang anak ni Marjorie.

 

vuukle comment

ACTRESS

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with