^

Pang Movies

Bong, tatapusin na ang pamamahinga sa TV

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bong, tatapusin na ang pamamahinga sa TV
Bong

Nami-miss na ni Bong Revilla ang TV. Pagkatapos ng serye niya sa GMA 7 medyo pahinga siya ng konti, at ngayon busy na naman siya sa pag-iisip ng bagong concept na gagawin.

Dapat talaga makaisip siya agad para sa follo­wers niya na hinahanap siya sa TV. May nabuo nang solid followers si Bong sa TV kaya naman lagi silang naghihintay sa gagawin nitong serye. Excited na rin muling humarap sa kamera si Bong kaya minamadali niya ang pagbuo ng concept.

Talagang hinahanap-hanap pa rin niya ang pag-arte. Mahirap nga namang mawala sa sistema ang bagay na nakasanayan nang gawin. Siguradong may pasabog na naman siya sa pagbabalik-serye niya. Sigurado ring puno ng maaaksyong eksena ang gagawin nitong proyekto na ‘di bibitawan ng mga manonood.

Kaya hintay-hintay lang at mapapanood natin uli si Bong Revilla sa TV. Matutuwa ang fans dahil pinaghahandaan na ng kanilang idolo ang pagbabalik. May aabangan na namang palabas ang mga tagahanga niya.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with