^

Pang Movies

Panonood sa TV, hindi pwedeng kumpara sa smart phone

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang gustung-gusto ko nang mapanood ang mga bagong serye sa TV.

Magaganda kasi mga inilalabas na teaser kaya naman excited ako.

Sana nga magbalik interest ang viewers pag nakita nila maganda ang mga bagong serye.

Saka sayang naman mga bagong stars kung hindi mapapanood ang effort nila sa acting.

Unfair naman iyon lalo pa nga at ang gaganda ng mga bagong discovery nng Artists Center ng GMA 7 at Star Magic ng ABS-CBN.

Kaya naman dapat lang na tuluy-tuloy ang paggawa ng mga serye, at kahit nga wala nang masyadong marami ang gumagawa ng pelikula sa TV naman ngayon ang pag-asa para maging tuluy-tuloy ang takbo ng showbiz.

Sayang naman mga talento ng mga bagong talent kung hindi makikita ng fans.

 Kaya huwag mawalan ng pag-asa ang mga bagong talent. Just hope na gumanda uli ang lagay ng showbiz at mabigyan ng lakas ng loob ang gustong maglagay ng investment sa paggawa ng pelikula.

Marami pang katulad ko na mahilig manood ng TV.

Oo nga at marami na rin ngayon ang nanonood sa kanilang mga smart phone pero sa totoo lang iba ang pakiramdam ng panonood sa TV. Mas comfortable at maganda ang sound. ‘Yun nga lang ang daming commercial na nakakatulong din naman sa mga manonood.

Hay naku, basta ako sa forever TV viewer ako.

Ayoko sa telepono na ang liit-liit ng screen. Hahahaha.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with