^

Pang Movies

Barbie, mamasyal at magsa-shopping sa Amerika  

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Natuloy na rin pala si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na umalis para sa kanyang US vacation.

Sa Chicago ang destination ni Barbie, sa family ng older sister niyang naka-based na roon with her husband and child.

Umalis si Barbie para sa much-needed vacation, pagkatapos ng ilang buwang pagti-taping ng GMA historical fantasy portal na Maria Clara at Ibarra .

Pero bago umalis si Barbie, tinapos muna ang mga commitments niya, like ang muli nilang pagtatambal ni David ng isang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko bilang tugon sa requests ng mga fans nila na muling mapanood ang #FiLay loveteam.

Bago rin umalis si Barbie nag-shoot muna siya ng music video ng Ishin beauty products na ini-endorse nila ni David.

Hindi naman magtatagal si Barbie dahil may naghihintay sa kanyang shooting ng isang movie with David. 

Sasamantalahin lamang daw niyang ma-experience na mag-isang mamasyal at magshopping na hindi niya nagagawa rito lalo na kung busy siya sa trabaho.

Althea, may food business na

Nag-world premiere na kahapon, March 6, ang AraBella sa GMA Afternoon Prime, pero wala pa ang character ni Althea Ablan dahil bata pa sila ng gumaganap na Ara sa story, played naman ni Shayne Sava. 

Thankful si Althea dahil bida-kontrabida ang role ni Bella na tulad din sa una niyang serye na Prima Donnas na ang character niyang si Donnabelle, ay palaban at hindi nagpapaapi.

 Sa story ay siya ang nawawalang anak ni Camille Prats na lumaki naman sa pangangalaga nina Nova Villa, Ronnie Lazaro. Ibang bata ang inampon naman ni Camille, si Ara.  “Ako po ang tunay na anak, pero lumaki akong maldita at si Shayne naman ang api-apihan sa story,” pagkukuwento ni Althea.  “Ganoon po kasi ang pagpapalaking ginawa sa akin, matapang ang personality ko, kasi ang intention nina Tita Nova ay kuwartahan lamang nila si Ate Camille.”

Happy si Althea to work again with Wendell Ramos, ang tatay nila sa Prima Donnas, at with Alfred Vargas, first time naman siyang maidirek ni Adolf Alix.

Sa kabila  ng pag-arte ni Althea, hindi niya pinabayaan ang studies niya, she’s now in Grade 12 at pag-graduate niya, gusto niyang kumuha ng tourism or a business course, dahil nagsimula na siyang mag-invest ng kinikita niya in a take out food business, ang Gourmet in a Box. “Sana po it will prosper, pero hindi ko pa rin iiwan ang first love ko, ang acting.”

Mga kaganapan sa EB, inaabangan

Maraming naghihintay ng balita tungkol sa longest running noontime show na Eat Bulaga.

Kahapon ay napanood sina Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Ryan Agoncillo, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryzza Dizon, MWWaja Salvador, at ang Bida First winner na si Careen Eistrup.

Meron nga bang mawawala at meron ding magbabalik?

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with