^

Pang Movies

Boy, napaarte ni Bela

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Boy, napaarte ni Bela
Kuya boy at Bela

Ang bongga naman ni Boy Abunda. Magiging bahagi pala siya ng pelikulang idinirek ni Bela Padilla na Yung Libro Sa Napanuod Ko. Isa ito sa walong official entries sa kauna-unahang summer edition ng Metro Manila Film Festival

Inanunsyo niya mismo ito at inimbitahan ang lahat na panoorin ang pelikula.

Proud si Boy na naka-isang take lang siya at ipinagmalaki ni Bela na memorized daw nito ang linya niya pagdating sa set. Humanga siya sa pagiging professional ni Boy.

Ayon kay Boy pinaghandaan din daw talaga niya si Bela at may mga ginawang preparasyon para sa pelikula. Bongga.

Beautederm, tuloy ang pagsikat

Sayang at hindi ako puwede sa big presscon ni Rhea Tan ng Beautederm. Type na type ko pa namang makita si Rhea Tan na talagang isa sa pinakamabait na friend namin.

Imagine mo na talagang biglang number 1 sa market ang beauty products niya at kilalang-kilala na rin hanggang abroad. Iyon bang kahit ang mga Pilipino sa abroad, ang Beautederm ang ginagamit, bongga talaga. Kaya nga sa­yang dahil hindi ako makakapunta sa presscon, sila Gorgy na lang ang kukuha ng mga giveaway ko, alam naman nilang ginagamit ni Mel ang Beautederm kaya beautiful siya, hah hah.

vuukle comment

BELA PADILLA

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with