^

Pang Movies

Andi, may challenge ang tinuturong paglilinis sa mga anak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Andi, may challenge ang tinuturong paglilinis sa mga anak

Ang bongga naman nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Sinisiguro na ng mga ito na involved ang kanilang mga anak sa paggawa ng mga gawaing bahay.

Nakadiskubre sila ng hacks at tips para mas maging exciting ang paglilinis para sa mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa. SEA patrol kid na pala sa Siargao ang panganay ni Andi na si Ellie. 

Imbes na turuan lang na maglinis ang mga ito, nilagyan nila ito ng challenge at ito ang treasure hunting activity. At ipinakita ang positive outcome ng malinis na kapaligiran.

Bongga ang pagiging hands-on nila sa mga anak.

‘Inggit, nakamamatay…’

Excited ako sa lunch meeting namin nina Salve, Pat-P Daza, Marivic, Tet at Gorgy Rula. After a long time meron na naman kaming face-to face intimate lunch.

‘Yung kasabihan talaga na envy can kill, and make you loose your friends talagang totoo. Pinakapangit na ugali sa lahat ‘yung inggit. You cannot move forward kasi nga pinapatay ka ng inggit. Saka ‘pag meron kang bigat sa katawan hindi ka talaga makaka-move on.

Dapat sa buhay natin marunong tayo ng sharing. ‘Yung kung may magandang nangyari sa iyo, hatian mo ang mga kasama mo. Hindi dapat sinosolo ang anumang magandang bagay. Sharing your blessings is more than genero­sity, it is love. ‘Pag puno ng love ang buhay mo magiging magaan ang lahat. Malalagpasan mo ang mga paghihirap sa buhay.

No man is an island, kailangan mo ang pagmamahal at tulong ng mga tao sa paligid mo. Kaya be nice and kind sa lahat ng kasama mo. Enjoy life being kind and nice to others.

Bongga.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with