^

Pang Movies

Luis, ‘di pinababayaan nina Vilma at Edu

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Luis, �di pinababayaan nina Vilma at Edu
Luis

Kawawa rin si Luis Manzano. Imagine mo na nauna na ang mga news na para bang may sala siya samantalang wala pa namang opisyal na balita mula sa korte.

Kaya hindi kataka-taka na maiyak si Vilma Santos at magalit si Edu Manzano. Sana nga ay hintayin muna nating lahat ang ilalabas ng investigation tungkol sa issue nito. Naniniwala kami na lalabas din ang totoo at malinis na lalabas dito si Luis Manzano.

Hindi ang tipo ni Luis ang gagawa ng ganitong kalokohan kaya kailangang maging madali ang pag­lutas sa issue. Mabuti na lang at solid ang suporta ng mga magulang at pamilya ni Luis Manzano sa mga ganitong pagkakataon.

Be strong, Luis, kaya mo iyan. The truth will prevail, hang on.

Mga artista, nagkaroon ng reality check

Parang hindi maganda ang 2023 para sa showbiz. Umpisa pa lang may nag-aaway at sumbatan na. Hindi rin maganda ang balita sa mga nag-showing na pelikula dahil nga siguro sa taas ng bayad sa sine, at iyon ibang movie houses na nagsara.

Mukha ngang mas busy pa ang TV na medyo apektado naman ng Netflix. Talagang malaking gulo ang nagawa ng pandemya sa buhay natin. Medyo nagulo ang mga sked, plano dahil nga kailangan mag-cost cutting at makiramdam muna sa nagaganap sa mundo.

Ang isa lang naging mabuting resulta nito ay nagkaroon ng reality check ang mga artista, ngayon nila nakita na sa isang iglap puwedeng dumilim ang mundo nila. Siyempre less production, less work, at lesser worth ang ningning.

Kaya ngayong 2023, bago na lahat ang pagtingin sa buhay, may reality na, konti na lang ang ilusyon. Dahan-dahan na sa pagyayabang, harapin na ang katotohanan. Naku, kaya siguro nagsusumbatan na, kasi nga bawas ningning na. Kailangang bawiin na ang binibigay, kailangang isumbat na. Kawawa naman, hay buhay.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with