^

Pang Movies

Ninoy at Mom, ‘di magbabanggaan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

So, hindi magkakasabay ang playdate ng Ako Si Ninoy na showing sa Feb. 22, 2023 at ang Martyr or Murderer ay sa March 1, 2023 ang playdate. Nanghinayang ang mga mahilig sa away at bashings dahil wala silang mapag-aaway dahil nga magkaiba ang playdate ng dalawang pelikula.

Ang hinihintay naming pagre-reakan ng mga mahilig mag-react ay ang poster ng movie dahil hindi si Cesar Montano o si Ruffa Gutierrez ang nasa gitna, si Cristine Reyes dahil focus yata sa kanya ang story ng #MoM.

Bukod kina Cristine, Ruffa at Cesar, sina Ella Cruz at Diego Loyzaga lang ang kasama sa poster.

Elias nina John Lloyd at Ellen, nag-iba na ang hitsura

Natawa kami sa convo ng netizens na nakakita sa bagong photos ni Elias na pinost ni Ellen Adarna sa Instagram. Hindi magkasundo ang netizens kung sino kina Ellen at John Lloyd Cruz ang kamukha ni Elias. Ginupitan o pinagupitan ito ni Ellen, kaya malinaw nang nakikita ang mukha nito.

May nagsabing mas kamukha ni Ellen si Elias, lalo na sa mga mata. Kinontra ito ng ibang netizens dahil ka-mata raw ni JLC ang anak. Pati nga pagngiti ng bagets, bone of contention pa rin dahil hindi magkasundo kung sino sa mga magulang niya ang kanyang kamukha.

Anyway, mas sexy ang “looks” ng sitcom ni JLC sa GMA 7 na Happy ToGetHer dahil sa nagseseksihang guest at mainstays na sina Ashley Rivera at Ana Jalandoni. Wala muna sa cast sina Carmi Martin at Miles Ocampo at hindi na rin nababanggit ang anak kunwari ni JLC sa series na nasa poder ng ina na hindi pa rin ipinapakita kung sino.

Kung follower kayo ni Michael V. sa kanyang social media platforms, malalaman n’yo at napanood niyo na rin siguro na mahusay na dancer din ang asawa nito.

Happy Anniversary, Bunagan couple!

Aga at Charlene, proud sa ganda ng anak na si Atasha

Proud parents na naman sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez sa anak nilang si Atasha Muhlach na cover ng February issue ng Preview magazine. Pinost ni Aga ang ilang photos from the magazine at ang isa, may caption na “Nice one, Tash!” at ang isa, may caption na “My dear.. @atashamuhlach_so happy for you.”

Si Charlene, sa isang post lang naglagay ng caption at ang sabi, “So happy for you @atashamulach_ Thank you @previewph & the whole team who put the shoot together.”

Lalo pang naging proud si Aga kay Atasha nang mag-comment si Tim Yap ng “She definitely has IT!!!”

Hindi lang si Tim ang nag-comment ng ganito at sa ganda ni Atasha at total look nito at impact, kahit siguro ano ang pasukin nito o gawin, magiging successful. So, kung gustuhin nitong maging beauty queen, pasukin ang showbiz at maging professional model, she will definitely make it.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with