^

Pang Movies

Ryza, matatapos na ang dream house

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ryza, matatapos na ang dream house
Ryza

Ang bongga naman ni Ryza Cenon. Malapit nang matapos ang ipinapagawang dream house ng pamilya niya.

Ipinakita niya ang progress nito sa kanyang social media. Sobrang excited na nga siya nang ipakita niya ang foundation at structure nito pero wala pa raw sa exciting part dahil mas excited siyang mag-shopping ng mga gamit nila sa bahay.

Kaya naman ngayon pa lang ay nanghihingi na siya ng suggestions kung saan siya maaaring makabili ng magagandang furniture.

Meron silang anak ng kanyang partner na filmmaker na si Miguel Antonio Cruz na two-year-old son na pinangalanan nilang Night.

Samantala, nagselebrayt naman si Ryza ng kanyang 35th birthday sa pamamagitan ng isang charity event para sa mga pediatric cancer patient mula sa Bahay Aruga. Masaya siya dahil naiselebrayt niya ito kasama ang mga mahal sa buhay at malapit sa puso niya.

Kaya siguro inuulan siya ng blessings dahil hindi niya nakakalimutang tumulong at i-share ito sa mga nangangailangan. Bongga.

vuukle comment

RYZA CENON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with