^

Pang Movies

Matteo at Sarah, gagawa ng baby sa abroad...

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Matteo at Sarah, gagawa ng baby sa abroad...
Matteo at Sarah

Magbabakasyon muna sa ibang bansa ang mag-asawang Matteo Guidicelli para i-celebrate ang kanilang third wedding anniversary.

Ibinalita ito ni Boy Abunda sa kanyang Fast Talk with Boy Abunda last Monday. Nabanggit din niya kasing may ongoing talks ang Viva management ni Matteo at ang GMA.

Pero sa social media, kumakalat na ang balitang isasabak na si Matteo sa GMA morning show na Unang Hirit sa kanyang pagbabalik. May segment siya tungkol sa health and fitness.

Wala pang kumpirmasyon ang GMA at Viva tungkol dito. Pero may naglabasan ng photos kung saan magkakasama sina Boss Vic del Rosario ng Viva at Annette Gozon ng GMA.

Matagal nang nabalita ang paglipat ni Matteo sa GMA pero hanggang ngayon eh hindi pa nagkakaroon ng katuparan.

Ate Vi, pinagbigyan ang mga ex

Wala pa ring kupas sa galing sa pagsayaw ni Vilma Santos.

Nagpasampol si Ate Vi ng kanyang pag-indak nang maging guest siya sa Valentine show nina Christopher de Leon, Tirso Cruz III, at Edgar Mortiz.

Pero hindi naman todo hataw na sayaw ang ipina­kita ni Vilma kundi ‘yung mga sayaw na sumikat sa TikTok.

Gayunpaman, sapat na ang presence niya sa Valentine show ng tatlong aktor na naging bahagi ng kanyang lovelife (Edgar) at career!

Teka, sa 60th anniversary special kaya ni Vilma, ipakita kaya niyang muli ang pagiging matinik sa dance floor? Hehehe!

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with