^

Pang Movies

Mga dating alaga ni Kuya Germs, tuhog ang trabaho

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mga dating alaga ni Kuya Germs, tuhog ang trabaho
Rhen

Siguradong masaya sa kanyang kinaroroonan ngayon ang star builder at Master Showman Kuya Germs (German Moreno) dahil patuloy na umaalagwa ang respective careers ng dati niyang mga alaga sa Walang Tulugan with the Master Showman na sina Sanya Lopez, Ken Chan, at Rhen Escaño.

Sina Sanya at Ken ay dalawa sa mga hot ta­lent ng GMA (Sparkle) Artists Center habang si Rhen naman ay nasa pangangalaga ng Viva Artists Center (VAA).

Aminado pare-pareho sina Sanya, Ken, at Rhen na si Kuya Germs ang kanilang godfather sa pagpasok nila sa showbiz just like other stars and talents na kanyang hinulma since That’s Entertainment days na tumagal sa ere ng 10 taon (1986-1996) at nakapag-create ng maraming stars na hanggang ngayon ay mga aktibo pa rin sa kanilang career.

Si Sanya ay may bago ngayong TV series sa GMA, ang Mga Lihim ni Urduja while Ken is also busy sa kanyang mga negosyo. Si Rhen naman ay kabi-kabila rin ng proyekto sa bakuran ng Viva at pinaka-latest ang Spellbound, ang local adaptation ng K-movie of same title in 2011 na tinatampukan nina Bela Padilla at Marco Gumabao.

Devon at David, may relasyon?!

Is there something special going on between ex-PBB housemate-turned actress na si Devon Seron at ang actor-director na si David Chua? 

Ito ang ispekulasyon ng marami na nakakita kung gaano ka-close ang dalawa sa kanilang recent vacation in Boracay.

Sina Devon at David ay tila nagkamabutihan sa set ng kanilang ginagawang weekly sitcom sa Net25, ang Good Will kung saan din kasama sina Raymond Bagatsing, Smokey Manaloto, Ryan Rems, at iba pa produced by ALV Productions and Viktory 8 Media, Inc. for Net25.

Si Devon ay naging kasintahan ng actor na si Kiko Estrada bago nito naging kasintahan si Heaven Peralejo pero break na rin ang dalawa ngayon.

Inamin naman ni David na girlfriend material umano ang ex-PBB housemate-turned actress na si Devon.

Teka split na ba si David sa sinasabing girlfriend niya na ex wife ni Cong. Sam Versoza na sinasabi namang ex ni Rhian Ramos?

vuukle comment

GERMAN MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with