^

Pang Movies

Actress/TV host, chaka ang fez ‘pag walang make up, Jessy parang ‘di nanganak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Actress/TV host, chaka ang fez �pag walang make up, Jessy parang �di nanganak
Jessy at Baby

Nabisita na pala ni Vilma Santos ang apo niyang si Isabella Rose na unang-unang apo niya at anak ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

“Momsie will always be here for you, Baby Rosie (our Peanut),” sabi ni Ate Vi.

Alam ng lahat na matagal nang pangarap ni Ate Vi ang magka-apo.

Dalawa lang kasi ang anak ni Ate Vi kaya talaga namang masayang-masaya siya, sina Luis at Ryan.

Kaya tiyak na marami siyang ipamamana kay Isabella na ang cute sa mga naglalabasang picture sa social media.

Nagulat din ako na parang hindi nanganak si Jessy Mediola.

Hindi siya katulad ng ibang bagong mommy na parang ang bilis nalosyang pagkapanganak. Si Jessy talagang fresh na fresh at parang walang iniluwal na baby.

Hindi siya katulad ng isang aktres na ‘pag walang make-up ang chaka ng face.

Hahaha. Walang ganda kumbaga. At hindi lang ako ang nagsabi nito, maraming may alam na pag walang make ­up itong si actress/TV host, hindi maganda sa totoong buhay.

Naku ‘wag n’yo akong piliting pangalanan dahil hindi ko talaga sasabihin.

Gusto kong magbait. Ayoko nang magpaka-nega. Hahaha. Magpaka-nega raw oh! Babu.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with