^

Pang Movies

Uy bongga Xian, ginagamit ang mga bag ni Kim

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Uy bongga Xian, ginagamit ang mga bag ni Kim
Xian

Once again ay ipinakita ni Xian Lim ang kanyang pagiging supportive boyfriend nang mag-model siya ng bag na negosyo ni Kim Chiu.

Ipinost ni Kim ang mga larawan ni Xian na gamit ang bag na kanyang itinitinda. And take note, sa Paris pa sila nag-pictorial nang magbakasyon sila roon nitong nakaraang December.

 “Permission to post from dapper @xianlimm ♠? wearing @houseoflittlebunny.ph bag THE LETTER in black, 12 colors left on this design, made with genuine leather. The quality is just % extruhhh!” bahagi ng caption ni Kim.

Nagpasalamat ang aktres sa boyfie at nagbiro na babayaran daw niya ng pagmamahal ang pagmo-model ni Xi.

“Huge Thank you Xi! hihihi suklian ko nalang ng pagmamahal pagmodel mo sa bags ko! haha,” aniya.

Sa comment section ay humirit pa si Kris at nagkomentong “@xianlimm you’re the best human ever!!!!!!!”

As expected, kinilig na naman ang KimXi fans sa post ni Kim.

“Kilig naman nang suklian nang pagmamahal @xianlimm inaantay ko palagi vlog nyo sa youtube,” komento ng isang follower.

“Grabe Sana all ‘yung bag pwede ma order Pero yung model Hindi ma order joke?,” sabi naman ng isa pang IG user.

“Love ka talaga ni Xian for him to model your bags,” reaksyon naman ng isa pang netizen.

“Ang swerte mo namn Kim.. napakabait ng bf mo… sana kayo na forever,” comment ng isa pang follower.

Regine hirap na sa biritan

Inamin ni Regine Velasquez na nakaramdam siya ng takot nang makipagsabayan siya ng biritan kay Morisette Amon nang kantahin nila ang napakataas na kantang “Gusto Ko Nang Bumitaw” sa ASAP Natin To last year.

 Sa episode ng “Magandang Buhay” ay nagbalik-tanaw ang Asia’s Songbird sa moment na ‘yun at naging honest naman siya na sabihing kinabahan siya talaga dahil baka hindi niya makayang abutin ang taas ng notes.

“Sa totoo lang, pinagod ako ng kantang to. Kasi yung isang kumanta nito, si Mori (Morissette), parang naghikab lang, eh,” sey ni Regine.

Ang plano niya raw ay i-request sa production na babaan ang areglo ng matataas na nota to be sure na makaya niya. Pero nakalimutan daw niyang sabihin.

“Alam mo, habang kinakanta ko ‘to, kinakanta ko na, ah, kasi nakalimutan kong sabihin na, ‘puwede n’yong ibaba,’ kasi 100 years old na ako, itatapat niyo ako kay Mori, jugets (bagets),” tsika niya.

“Nakalimutan kong sabihin. So, kumakanta na ako, in the middle of ‘Gusto Ko Nang Bumitaw,’ iniisip ko aabot ba ako?”

“’Mahi-hit ko ba?’ Ganu’n yung nasa isip ko. Tapos parang, sige, laban!” kwento pa niya.

Sabi naman ng co-host niyang si Melai Cantiveros na pinatunayan naman niyang kayang-kaya pa niyang makipagsabayan sa ating mga batang singers.

“Pero hirap ako, sa totoo lang,” sambit ni Songbird.

In fairness, kinaya naman talaga ni Regine ang mataas na nota pagpapatunay na wala pa rin siya talang kupas.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with