^

Pang Movies

Mag-iinang Marian, Zia, at Sixto, sinorpresa si Dingdong

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Mag-iinang Marian, Zia, at Sixto, sinorpresa si Dingdong
Dingdong at Marian Family

Binulaga ni Marian Rivera kasama ang anak na sina Zia at Sixto ang taping ng Family Feud ng asawang si Dingdong Dantes nitong nakaraang mga araw.

Halatang nasorpresa si Dong sa pagbisita ng mag-iina at agad tumakbo si Zia sa ama upang magpakarga na inilabas ni Yan sa kanyang Facebook page.

Dinala naman ni Marian si Sixto sa podium at pinasubok ang pagpindot ng buzzer at pagsasalita sa microphone, huh!

Pansamantalang natigil ang taping ni Dong at magkaroon ng bonding time sa asawa’t dalawang anak na sinamahan pa niya ng photo ops nilang mag-anak!

AllTV, mas priotrity ang mag-ayos ng signal

Nakatikim muli ng hagupit ng netizens si Toni Gonzaga dahil sa balitang pagtigil muna ng ilang on-going shows ng AllTV.

Ayon sa ilang netizens, wala raw nagawa si Toni upang paangatin ang bagong network. Saan daw napunta ang kanyang powers?

Of course, wala namang kinalaman si Toni kung matigil muna ang live o taped show ng Villar network.  Marami pang dapat ayusin sa network lalo na ang signal nito upang mas maraming maabot na probinsiya.

Eh pati nga si Willie, nasisisi sa development na ito ng network, huh! Kesa naman mas marami pang perang mawaldas nang walang balik na kita, mas mabu­ting itigil muna ang paggastos at ayusin muna ang dapat ayusin para lumakas ang AllTV, huh!

Business decision ang ginawa kaya walang kinalaman ang mga artistang kinuha sa network!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with