^

Pang Movies

Pokwang, naglabas ng dirty linens!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pokwang, naglabas ng dirty linens!
Pokwang

Ang pangit ‘pag ang dalawang tao na nagkasama at meron pang naging anak ay nagsasalita ng masama sa isa’t isa.

Iyan ngayon ang nangyayari between Pokwang at ang father ng anak niya na si Lee O’Brian.

Natawa ako sa tanong ni Boy Abunda na bakit last week magaganda ang sinasabi niya, at ngayon nag-iba na ang tono.

Bakit ba hindi maaari na walang dirty linens na ilabas ‘pag naghiwalay?

Bakit ba hindi puwedeng mag-move on na walang masakit na salita.

Sayang kasi ang pinagsamahan na matatapos lang at biglang magiging ugly war with words na hindi naman dapat mangyari.

Ang pangit pakinggan ‘pag may masamang sinasabi ang isa sa naging magkarelasyon. ‘Pag hiwalay, ok, go.

Wala nang dapat pang sabihin. Wala nang dapat comment.

Puwede naman iyon, ‘di ba?

Kaya ang pangit ‘pag nababasa mo o napapanood na may sinabi ang isa against sa dati niyang relasyon.

Dahil dapat lang lagi mong maalala ang good times n’yo together. ‘Yung bad times, burahin na lang, para hindi mabigat sa balikat.

Ang ganda pa naman ng naging anak nila ni Pokwang na si Malia, iyon na lang ang dapat maging alaala. ‘Di ba dapat ganun.

Pasalamat na lang na nagkaanak sila at nagmahalan. ‘Wag nang magsiraan.

Kaloka.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with