^

Pang Movies

Max, nawalan na ng hiya sa paghuhubad!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Max, nawalan na ng hiya sa paghuhubad!
Max

May mga hindi natutuwa sa sexy photos and videos ni Max Collins dahil kung marami ang natuwa sa post niyang may caption na “Lucky girl syndrome,” may nag-comment at lalake pa.

“Hotness! Almost naked though you are really sexy. papansin, for what? popularity. money. Kalmahan mo lang for the sake of your son.”

May nag-comment pa ng “Soo hot... pero  medyo hindi na child friendly” at may sumegunda ng “Darating yung araw na pagtuluyan na natanggal yung hiya wala ng magsusuot ng bra at panty sa beach” at “Dati binabayaran ang mga naghuhubad ngayon libre na.” May nagsabi pang “halos maghubad na... disappointed.”

Hindi kami sure kung nabasa niya ang mga ganu’ng comments, pero hindi pa niya dine-delete ang video at hindi rin in-off ang comment box. Ang nag-aaway ay ang mga pabor sa mga isinusuot niya lately at ang mga ayaw sa sabi nila ay “new Max Collins.”

Ang ganda sigurong ma-interview ni Boy Abunda si Max sa Fast Talk with Boy Abuda at itanong kung ano ang naging deciding factor for Max to change her image, and her personality at ilabas ang “fierce and sexy Max.”

Jinkee, hindi gumagamit ng lokal

Nabisita namin ang Instagram account na tungkol sa style, outfits, accessories at lifestyle ni Jinkee Pacquiao. Puro branded pala talaga ang mga gamit at isinusuot niya at kung may gawang local man siyang isinusuot, paisa-isa lang.

Gaya ng isang damit na suot niya na gawa ng friend niyang Filipino designer, but majority sa sinusuot at ginagamit, imported.

Mababasa sa IG account ang branded name na Dior, Dolce Gabbana, Zimmerman, Gucci, Versace, Celine, Fendi, Hermes, Balenciaga, Prada, Chanel, Van Cleef & Arpels, Tiffany, Bulgari at iba pang international brand. Pati nga water bottle Prada.

Ang kulang na lang ay ang presyo dahil hindi nilagyan ng prices ang bawat bags, shoes, jewelry, dresses, sandals, at iba pang isinusuot at ginagamit. May gusto na walang presyo ang mga posted stuff nito, pero may gusto na may presyo para raw alam nila.

Comment  nga ng netizens, ang daming mamamana ng mga dalaga ni Jinkee sa kanya.

Heart at Chiz, inulan ng pagbati sa wedding anniv

Marami ang bumati ng Happy Anniversary kina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na magse-celebrate ng wedding anniversary sa Feb. 15.

Hintayin natin na tuksuhin uli ng mga kapwa niya senador si Chiz at tiyak na ngingiti na lang ito sa jokes ng kapwa niya senador. Nahiya nga si Heart dahil umabot daw sila hanggang senado.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with