^

Pang Movies

Apartment ni Heart sa Paris, ‘di nakita ni Chiz!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Apartment ni Heart sa Paris, �di nakita ni Chiz!            
Heart

“Nakakahiya! Umabot pa kami sa Senado,” ang nakangiting reaksyon ni Heart Evangelista sa kanyang latest interview sa 24 Oras hinggil sa talk of the town ngayong kantiyawan sa Senado kung saan nga ay inalaska ng mga Senador ang mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

“But it’s nice. It’s nice to see everybody being supportive with one another,” dugtong niya.

Matatandaang nitong nakaraang session ng mga Senador ay kinantiyawan ng mga kapwa-mambabatas si Sen. Chiz hinggil sa balikan nila.

Nag-dialogue si Sen. Grace Poe ng “love is worth fighting for” at sey naman ni Senate President Migz Zubiri, “we believe in second chances.”

Nagkuwento rin si Heart hinggil sa naging pagsama sa kanya ni Chiz sa Paris kamakailan. First time raw na sumama ang asawa sa kanya sa Paris Couture Week.

“First time during the Paris Couture Week which was not his thing, so mas lalo siguro siyang nakakatulong na maging masaya ako with my work, with my life, because I’m supported,” kwento ni Heart.

Hindi pa raw nakikita ni Chiz ang kanyang apartment sa Paris at gusto niyang ayusin muna ito bago niya ipakita sa asawa.

Nakatakda raw bumalik si Heart sa Milan and Paris ngayong Valentine’s Day at birthday rin niya kasama ang mister.

Sey pa ni Heart, very supportive raw ang kanyang mister lately sa kanya.

“You become happy when you embrace your growth and people around you support you. My husband has been very supportive lately,” sabi ni Heart.

Sunshine, nagsisisi na nagpa-sexy!

Inamin ni Sushine Cruz na pinagsisisihan niya ang pagpapa-sexy noon dahil nakaapekto ito sa relasyon nila ng ex-husband na si Cesar Montano. Sumalang ang aktres sa Fast Talk With Boy Abunda at dito ay tinanong siya ng host na si Boy Abunda kung pinagsisisihan ba niya na gumawa siya ng sexy movies noon.

Diretsong sagot ni Sunshine, “there was a time na ni-regret ko ‘yun, especially naging malaking parte ‘yun ng aming separation ng aking ex-husband.”

Patuloy niya, “but at the end of the day, mas naging stroger ako, mas natuto ako and ang ginawa ko lang, tito Boy ay mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star or bold star.

“I can also be a singer, I can be an actress, and most especially, I am a good mom. I know that for a fact. Lahat naman tayo, nagkakamali, nagkakaroon ng maling desisyon nu’ng mga bata pa tayo pero ang importante ay kung ano tayo ngayon.”

Bahagya ring nagsalita si Sunshine tungkol sa paghihiwalay nila ng ex-boyfriend na si Macky Mathay at aniya, mas pinili na lang niyang manahimik na lang dahil may mga batang involved tulad nga ng mga anak niya at anak din nito.

Aniya, sa isang relasyon ay may tatlong mahahalagang elemento para maging successful at ito ay ang love, trust and respect.

“’Pag may isang nawala do’n, it’s not going to work,” she said.

Sa tanong kung ano ang nawala sa tatlong ‘yun sa relasyon nila ni Macky at ni Cesar, aniya ay parehong “trust.”

Sa tanong kung may 3rd party bang involved sa paghihiwalay nila ni Macky, sey niya ay wala raw siya sa posisyon na sabihin ito.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with