^

Pang Movies

Pokwang, handa nang ‘lumipad’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pokwang, handa nang �lumipad�

Ready nang mag-move on si Pokwang after ng hiwalayan nila ni Lee O’ Brian at pagkatapos ng interview sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nang i-post si Pokwang ang photo nila ni Malia na sa likod, may nakakabit na wings at sa caption at hashtag, malalaman ang simbolismo ng mga pakpak nila.

“Done!!! It’s time to fly high and be happy again with my true Love. #restartournewlife #behappyagain.”

Puro positive ang comments sa post na ito ni Pokwang, may nagpahatid ng pagmamahal at suporta sa kanya. May nag-congratulate na nakawala na siya sa piling ni Lee. May nagpayo rin sa kanya na alagaan ang kinikita niya dahil hard earned money ito, pinaghihirapan niyang kitain at ‘wag niyang hayaang abusuhin siya ng kahit sino.

Ang karamihan sa comment, sinabing naiyak sila sa interview sa kanya ni Boy dahil noon lang nila nalaman ang tunay na nangyari. Bino-boost nila si Pokwang na kakayanin niya ang maging single parent uli dahil matapang siya at masipag. May mga nagwi-wish pa rin na sana, makahanap si Pokwang ng right guy na magmamahal sa kanya at sa dalawa niyang anak at may trabaho dapat para hindi lahat siya ang gagastos.

Zephanie, lumevel kina Taylor at Ariana!

Ka-record label na si Zephanie sina Taylor Swift at Ariana Grande dahil kinuha siyang recording star ng international record label na Republic Records. Nasa record label na ito sina Taylor Swift at Ariana Grande. “Malaking tulong po ito para sa career ko na may mga kasama po ako na mga tao na tutulungan akong mag-share ng talent ko and makapag-inspire ng mga tao,” pahayag ni Zephanie sa interview sa kanya sa 24 Oras.

Wala pang nabanggit kung kailan magre-recording si Zephanie at kung anong song ang ire-record niya

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with