^

Pang Movies

Andrea, ‘di kinakahiya na P500 lang ang TF noon  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Andrea, �di kinakahiya na P500 lang ang TF noon             
Andrea

Hindi inakala ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres na mapapansin ang kanyang husay sa pag-arte. Noong magsimula raw siya sa showbiz, hindi niya ikinakahiya na nagsimula siya bilang isang extra.

At bilang extra, ang natatanggap daw na bayad ni Andrea ay P500 lamang. Dahil dito ay pinapagalitan daw siya ng kanyang mga magulang at pinapatigil na siya sa ambisyon nitong mag-showbiz.

Pero hindi raw iyon nakapigil sa kanya at lalo siyang nagpursige na mag-audition hanggang sa meron nang nakapansin sa kanya at nakagawa siya ng una niyang TV commercial.

Simula noon ay nagkasunud-sunod na ang projects ni Andrea hanggang sa bigyan siya ng big break ng GMA sa remake ng 2001 teleseye na Sana Ay Ikaw Na Nga noong 2012.
Ang iba pang pinagbidahan ni Andrea na teleserye ay The Millionaire’s Wife, Alyas Robin Hood, The Better Woman, Ang Lihim Ni Annasandra, Legal Wives, at marami pang iba.

Kelan lang ay pinarangalan siya ng acting award para sa pagganap niya bilang si Sisa sa Maria Clara At Ibarra. “It took me a long time to get to a comfortable place. Kaya I’m always on my toes, I treat each project as an audition for the next one,” sey ni Andrea.

Brenda Mage, may sariling farm na

Naging tahimik bigla ang komedyanteng si Brenda Mage at tila hindi siya aktibo sa paglabas sa TV, pero ginulat niya ang followers niya sa social media nang i-post nito ang kanyang naipundar na farm property sa kanilang probinsya. Pingalanan niya itong Hinaguan.

Ang ibig sabihin ng “hinaguan” sa salitang Bisaya ay “pinaghirapan” o “fruit of labor.”

Naikuwento na minsan ni Brenda sa kanyang vlog na bata pa lang siya ay pangarap na niyang magkaroon ng sariling farm sa kanilang probinsya.

Sa ilang post ni Brenda, makikitang abala siya sa pagsasaayos ng kanyang farm.

Merong mga tanim na gulay sa natu­rang farm property niya.

Simula noong magtapos bilang 5th Big Placer sa Pinoy Big Brother si Brenda, nagsunud-sunod ang mga trabaho nito at dumami ang kanyang subscribers sa kanyang YouTube channel.

Buffy... star, nagbabalik

After 10 years ay nagbalik sa pag-arte ang bida noon ng Buffy The Vampire Slayer na si Sarah Michelle Gellar. Nagbabalik ito sa pagbida sa supernatural series na Wolf Pack ng Paramount+.

Huling napanood si Gellar sa 2013 comedy series na The Crazy Ones na pinagbidahan noon ng yumaong si Robin Williams. Noong biglang pumanaw ang komedyante, nagdesisyon siya na tumigil muna sa showbiz at tuunan ang mga lumalaking anak nila ng mister niyang si Freddie Prinze Jr.

Noong unang binigay sa kanya ang script ng Wolf Pack, tinanggihan niya ito dahil sinabi sa kanya na tungkol sa werewolves ang show. Ayaw raw niya kasing gumawa ulit ng mala-Buffy na character na nagtapos noong 2003 after seven seasons.

Pero sinubukan niyang basahin ang script at may nagustuhan siya sa istorya. Kaya pumayag siyang gawin ito, hindi lang bilang artista kundi bilang isa sa executive producers.

Wolf Pack is based on the book series by Edo Van Belkom and follows a teenage boy (Armani Jackson) and girl (Bella Shepard) whose lives are forever changed when a California wildfire awakens a terrifying supernatural creature.

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with