^

Pang Movies

Snooky, palaban pa rin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Snooky, palaban pa rin
Snooky Serna

Ang galing ni Snooky Serna sa Underage ng GMA 7.

Talagang ang husay niya pati sa mga eksena na salbahe siya, delivery ng dialogue talagang on point. Iba talaga ang mga artista na nahasa ng mga mahusay na direktor, panlaban.

Sayang nga at hindi natikman ng bagong heneras­yon sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Marilou Diaz Abaya, buti na lang at nandiyan pa si Chito Roño at Joel Lamangan na nakakapagturo rin ng mahusay na acting.

Bongga si Snooky na talagang pati ang ganda ng mukha hindi nawala. Kaya naman talagang mataas ang rating ng Underage, bongga.

‘Maaksyon’

Mukha talagang gusto ko nang pilitin si Niña Taduran na tumakbo sa public office.

Ang dami ko nang naririnig na tinulungan niya na tumatanaw ng utang na loob sa magandang ginagawa ni Niña. Hindi pa siya pulitiko niyan pero ang dami nang tinulungan, lalo na siguro ‘pag naging public servant si Niña.

Kaya nga puring-puri ko ang pagiging tahimik lang ni Niña kahit na ang dami na niyang binigyan ng tulong. Imagine mo si Alex Marcelino, ‘yung classmate ni Salve, talagang hanga sa pagiging fast worker ni Niña Taduran.

vuukle comment

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with