^

Pang Movies

Jennylyn, ayaw nang mag-showbiz?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jennylyn, ayaw nang mag-showbiz?!
Jennylyn Mercado

Palaisipan sa publiko at netizens kung sino ang mas malaki ang ambag kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa bahay na binili nila sa Las Vegas, Nevada na lumabas sa social media nitong nakaraang mga araw.

Sa nakakaalam, malaki ang halaga ng perang kailangang iluwal upang makabili ng bahay.

Eh between Dennis and Jen, mas visible si Dennis sa trabaho. Samantalang si Jen, eh pahinga mula nang isilang ang anak nila.

May naiwan pa siyang TV series sa GMA pero walang nakaaalam kung gagawin pa ito ni Jen dahil ang leading man niyang si Xian Lim eh may bago nang projects na Hearts On Ice.

Totoo kaya ang nabalitaan naming ayaw nang magtrabaho ni Jen? Kung may kontrata pa siya sa Kapuso Network, tatapusin na lang daw niya ito at hindi na umano magre-renew, huh!

Of course, sayang naman lalo na’t marami namang fans si Jen at top rater din ang show niya sa GMA.

Luis, natangayan din ng malaking halaga ng scammer?!

Sumabog ang balita nitong nakaraang araw ang pagkakasangkot ni Luis Manzano sa isang investement scam.

Very unusual na mapagbibintangan sa ganitong scam si Luis na since day one na pumasok sa showbiz eh, nakaraang relasyon ang isyu sa kanya.

Nauna na itong itinanggi ni Luis at dumulog na rin siya sa NBI dahil malaki rin pala ang natangay sa kanyang pera ng may-ari ng nasabing kumpanya.

 

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with